kalaban sa dilim IV

490 27 9
                                    

Sa bawat kwento ay may gumaganap na karakter sa panig ng mabuti na gagawa ng kabutihan at ipaglalaban ang nararapatat, sa kabilang dako naman ay may gaganap sa panig ng masama at gagawa ng mga kamalian at kasamaan.

Ayan ang palaging nakasaad sa kasaysayan magmula pa nung mag umpisang umikot ang oras sa mundo.

May palaging gumaganap ng masama para maging bayani ang gaganap ng mabuti.

Ngunit?.

Ganun ba dapat talaga?.

Ganun ang nangyayari dahil ganun ang gustong ipakita ng mga naghahatid ng kwento sa masa, ayon ang gusto nila ipaalam kahit na paminsan minsan sa ibang pagkakataon ay kasinungalingan ang hatid nilang katotohanan.

Palagi ba dapat ang gaganap ng masaman ay masama din ang layunin?.

Palagi ba dapat na ang gaganap ng mabuti ay walang binabalak na kasamaan?.

O sadyang nakabase lamang ang lahat sa kung saan nangagaling ang kwento at kung sino ang nagpapakalat nito?.

Kailan ba magkakaroon ng araw na malalaman ng masa na.....

Hindi lahat ng bagay na nakikita o nadidinig ay ganun na talaga, kailan ba nila malalaman na sa bawat kasamaan ay may kwentong nakatago.

Kung susumatutalin ay ang mga nagsisilbing nilalang nang kasamaan ay ang mga nilalang na binalak maging bayani na may gustong ipaglaban na bagay ngunit hindi binigyan ng pagkakataon ng tadhana at nabansagang masama dahil sa kanilanh gustong ipaglaban.

Paminsan minsa ay ang mga tinuturing na masama ay ang mga may magandang layunin at ipinaglalaban ngunit nabigo itong tangapin ng mga nasa paligid nila ngunit alang alang sa kanilang ipinaglalaban ay niyakap nila ang kadiliman para matupad lamang iyon at mabigyang katotohanan ang kanilang hinihiling hiling na bagay.

Kayang kaya kong maging masama para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking minamahal na angkan.

Para sa kapayapaan ng lahat at sa kasaganahan na magtatagal nang ilang daang taon ay gagawin ko ang kahat para makamit iyon.

Kahit na ako na mismo ang mag suot ng sungay sa aking ulo at bansagang hari ng kasamaan ng buong sanlibutan ay wala akong pakialam.

Huli na para tumigil pa sa aking nasimulan.

Ako ang magsisilbing magiging kasamaan para mapanatiling ligtas ang aking gustong protektahan.

" Punong mandirigma, sana magawa niyong isipin muli ang aking panukala na-"

" Anong kalokohan ang pinagsasabi mo ulrik!, Nahihibang kana ba?, Isa ka sa pinaka pinagkakatiwalaan ng hari ang aking kapatid, sa tingin mo ay masisiyahan siya sa iyong binabalak?"

"Alam ko na hindi papayag ang mahal na hari sa aking plano kaya kayo aking ama ang aking ikinunsulta dahil kayo ang pinakamatalinong nilalang sa kaharian, ang sinundan ko sa posisyon bilang tagapayo ng hari bago kayo natalagang punong mandirigma ng hukbo, sana'y mabigyan niyo ako nang magandang payo stratehiya o taktika sa aking binabalak...tulad ng mga pangaral niyo sa akin"

"Hindi ko.....hindi kita kayang samahan sa hukay na iyong gustong suungin ulrik.......tinuruan kita ng sapat para makapag desisyon sa iyong sariling kaalaman ngunit....nguni....naiisip ko pa lamang na mismong aking anak ang nakapag isip ng ganoong bagay ay tila ba gusto ko nang wakasan ang aking buhay...."

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now