Messiah?

1.2K 32 2
                                    

Madilim ang paligid.

Dinig sa aking tenga ang mga sigaw sa paligid.

"na saan ako?"

"ahhh....eto nanaman"

"ang panaginip na eto"

"haaa....may katapusan ba eto.."

Naglalagablab na kapaligiran.

Nasusunog na bangkay.

Magmula nung mamatay ang aking mga magulang sa isang accidente ay gabi gabi akong nananaginip.

ang panginip ay tungkol sa aksidente na nangyari sa amin noong ako ay mosmos pa lamang.

ang aksidente na pumatay sa aking mga magulang.

Nung una ay halos buwan buwan akong nananaginip tungkol sa aksidente tuwing ako ay natutulog.

halos 3 taon kong tiniis ang panaginip na kung saan ay paulit ulit naman ang aking nakikita.

Isang panaginip kung saan ay nakahiga ako sa lupa at may kausap akong batang babae.

ang babae na yun ay siyang nagligtas sa akin sa kapahamakan.

"lavender ang aking pangalan"

"lavender?"

Paulit ulit ang aming nagiging pag uusap tuwing napapanaginipan ko ang trahedya.

Hindi maaninag ang mukha ng aking kausap dahil sa maliwanag na kapaligiran dulot ng mga nasusunog na sasakyan.

Ang nagsisilbi lamang niyang pagkakakilanlan ay ang kanyang matingkad at maputlang violet na buhok.

"utang mo sa akin ang iyong buhay"

" aking buhay?,"

"Oo, balang araw...ako'y maniningil"

"Teka? Anong ibig mong sabihi-"

"hangang sa muli"

palaging nagtatapos sa ganyang wakas ang aming pag uusap at bigla nalang siyang maglalakad pa alis ng walang sinasabi.

" teka lang !"

" teka lang!, lavender!"

"lavender!"

Patuloy sa paglalakad ang babae ng bigla siyang maglaho kasabay ng hanging dumaan.

"lavender teka! lang may itatanong ako sino ka ba talaga"

Bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal na tumama sa aking kaliwang pisngi.

"aray!"
sigaw ko.

Huh?.

" hoy!, what did you just say?"
wika ni elena sa akin.

Bigla akong na pa bangon sa pagkakahiga ng makita si elena na halos mahalikan na ang aking muka sa sobrang lapit niya sa akin.

Sa isang sulok naman ay nakatingin ng seryoso sa akin si maia.

a..anong nangyayari?.

Binunot ni maia ang earphone sa aking tenga na kanina pa pala tumutogtog.

Na..nakatulog ako?.

"Lavender.?"
wika ni elena habang nakatitig sa akin sa isang nakakasindak na titig.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon