Ang mga nilalang sa kapaligiran

616 23 0
                                    

Isang tila ba syudad na gawa sa concreto na nagbibigay kahihiyan sa liwanag na ibinibigay ng buwan at bituin tuwing gabi, isang napakaliwanag na lugar na sumisilaw kahit sa kadiliman ng masukal na gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang tila ba syudad na gawa sa concreto na nagbibigay kahihiyan sa liwanag na ibinibigay ng buwan at bituin tuwing gabi, isang napakaliwanag na lugar na sumisilaw kahit sa kadiliman ng masukal na gabi.

Isang lugar kung saan ay pumupunta ang sino mang nais maligo sa aliw ng malaparaisong lugar na napapaligiran ng mga bagay na maaring humila sayo at lamunin ang iyong oras hangang ikay mawala sa katinuan at tuluyang maaikit at magpabalik balik sa aliw na makakamtam mo lamang sa loob ng lugar na ito.

Casino, resort, restaurant at hotel, wala ka ng hihilingin pa kapag narito ka.

Sa lugar na ito ay naghahalo halo ang mga nilalang na hindi lamang naglilimita sa tao kundi sa iba din.

Sa publiko at komersyal ay isa itong 6-star hotel na tinaguriang pinakamalaki sa bansa kung saan nagpapalipas ng oras at nagsasaya ang mga elite class ng mga tao sa lipunan.

Ngunit sa kabilang parte, sa dilim kung saan ay mga piling tao lamang ang nakaka alam ay may ibang nakikinabang sa malaking lugar na ito dahil may isang parte ang naturang gusali na tanging mga nilalang na hindi tao ang nagsisilbing mga panauhin o guese ng hotel.

Mga matataas na uri ng halimaw, mga nobilidad sa kani-kanilang lahi na may mataas na katayuan sa lipunan, tulad ng mga tao ay ginagawa din nilang pampalipas oras ang mga ganitong bagay.

Casino, resort, amusement , restaurant, entertainment at hotel.

Sa isa sa mga restaurant na nag se-serve ng banyagang pagkain ay may tila ba kakaibang dalawang nilalang.

Animo'y nirentahan ang buong restaurant para sa kanila lamang ay sila lamang ang naroroon at naka upo nang magkaharap habang nag uusap.

Isang babae na nasa kanyang 30s, naka suot ng magarang amerikana ay nagbibigau ng datingang galante ang babae dagdag pa ng kanyang magandang pangangatawan at nakaka akit na mukha

Mula sa harap ay naka upo ang isang lalaki na nakasuot ng puting barong tagalog, tulad ng babae ay nagbibigay din siya ng datingang maharlika at hindi basta basta nilalang sa mababang antas, kung titignan ang lalaki ay ang edad niya ay nasa 25 lamang ngunit ang kanyang postura at paraan ng pananalita ay tumatabla sa edad ng isang matanda.

Mula sa pinto ay naglakad ang isang waitress na may dala dalang tray kung saan ay may putahe itong naka serve sa platito.

Dahan dahan at puno ng pag iingat ay inilapag niya ang putahe sa lamesa ng dalawa.

"Narito na po ang inyong ,' gnochii' prinsesa eunice"
Wika ng waitress habang nakayuko sa dalawa

"Salamat, maari mo na kami iwan"
Wika ng babae na tinawag na prinsesa eunice ng waitress.

"Maraming salamat po prinsesa"
Muling yumuko ang waitress at nagpakita ng paggalang bago dahan dahang umalis.

"Eunice...cute ba? Ang aking piniling pangalang tao?, Prinsipe rick?"
Wika ng babae na tinawag na prinsipe rick ang kausap na lalaki.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon