Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I

985 25 1
                                    

" tol, hindi ko na kaya"
wika sa akin ni rhodney habang nakaupo sa kanyang upuan at pawis na pawis.

Kasalukuyan kaming may klase at nakikinig sa aming guro ng bigla niya akong kalabitin, agad ako napatingin sa kanya at nakita ang kanyang kalunos lunos na itsura.

Nagpapawis, namumutla at tila ba malapit na mag collapse habang naka upo sa kanyang upuan.

"tol!, anong problema?"
wika ko.

Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang bunganga sa aking tenga at may ibinulong.

"natatae ako"
mangiyak ngiyak niyang wika habang pilit ipinigil ang kanyang nararamdaman at naghahanap ng komportableng posisyon sa kanyang upuan.

Napangiti ako sa kasalukuyang nangyayari ngunit, dahil kaibigan ko siya at alam ko ang pakiramdam ng isang estudyanteng natatae sa gitnaan ng klase ay nagkusa nalang akong nagtungo sa aming guro para gawan ng paraan ang problema ng aking kaibigan.

Matapos makausap ang aming guro ay kinindatan ko si rhodney na senyales na maayos na ang lahat at nakagawa na ako ng palusot para siya ay makapag widraw ng hindi alam ng aming mga kaklase.

Dahil kapag nalaman nila na natatae si rhodney ay masisira ang kanyang dignidad, masisira ang imahe niya sa classroom na sirang sira na dati pa.

Mala-bayani akong lumabas ng klassroom habang sinosopprtahan kunwari si rhodney palabas ng klassroom, sinabi ko sa aming guro na masakit ang tyan ni rhodney at gusto niya magpa check up sa clinic, agad naman kaming pinayagan ng aming guro at walang komosyon na nangyari, dahil sa matalik naman naming kaibigan si dante ay alam niya na ang aming gagawin at nakasaludo siya sa amin ng kami ay makalabas sa klassroom.

.
.
.
.
.

" Haaa...natatae na talaga ako!"
pagrereklamo ni rhodney habang paika ikang naglalakad sa hallway ng paaralan.

" kaunting tiis nalang tol!, doon tayo sa infirmary mas malapit kumpara sa public CR "
wika ko.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad at napahawak sa kanyang tyan senyales na kasalukuyan siyang inaatake ng sakit ng tyan dulot ng pakiramdam na natatae na.

Kaya mo yan tol!, maging malakas ka, kaya mong malampasan yan.

Naniniwala ako sayo.

Maya maya pa ay nanumbalik na siya sa paglalakad at nagpatuloy na kami.

" pero, salamat talaga tol ah, ano sinabi mo kay mam kanina?"
wika niya ng may mahinang boses.

"masakit ang tyan mo, bandang kanan, "
wika ko.

"hah?, loko ka, baka mapagkamalan pang may apendix ako!"
pagrereklamo niya.

"apendix?, talaga namang may apendix ang mga tao ah, baka apendicitis ang ibig mong sabihin tol"
pagtatama ko sa kanya.

" pare parehas lang yun..."
wika niya naman.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang makarating kami sa infirmary, matapos makarating ay kumatok ako, at as always ay walang sumasagot, kaya binuksan ko nalang ang pinto.

" sir?, maam?, pagamit ng banyo niy-"
hindi ko naituloy ang aking sinasabi ng may makita ako.

Pagpasok namin ni rhodney sa loob ng infirmary ay bumulaga sa amin ang isang tagpo na kahit anong explenasyon ang gawin ay hinding hindi na kayang baguhin ang unang nakita.

Kitang kita ng mga mata namin ni rhodney ang kasalukuyang posisyon ng dalawa habang nasa aming harapan sila.

Nakadapa si mam fiore sa harapan ni sir fiore, nakababa ng kauti ang mga pantalon ni sir fiore at nakaharap naman si mam fiore sa kinalalagyan ng maselang bahagi si sir fiore, abala si mam fiore a tila ba may ginagawa habang nakaluhod.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now