Kalaban sa dilim VI

482 22 3
                                    


Palubog na ang araw sa takipsilim na hapon, ang mga ilaw sa lampost na nasa paligid ay nag umpisa na umilaw para palitan ang liwanag na malapit na maglaho.

Sa isang tahimik at tagong bakanteng lote na halos walang napaparoon dahil sa peligrosong liko likong daanan at puno ng mga kinakalawang na naglalakihang bakal na nanganganib magsibagdakan ay matatanaw roon ang tatlong nilalang na tila ba nagsasagupaan.

Gamit ang mga nakatukod na bakal sa kapaligiran na nangaling sa pinaghalo halong kinalas na bakal ng barko at bakal sa quadradong container ay ginamit ito ni maia bilang tapakan habang nagpapalipat lipat sa kung saan saan para lituin at hindi makahabol ang kasalukuyang nanghahabol sa kanya na si jonathan na kasalukuyang may hawak hawak na espadang nakahulma sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Ang dugo na mapanganib sa mga aswang na tulad ni maia.

Hindi makahabol sa liksi ni maia ay balak magpahabol ng magpahabol si maia hangang mapagod si jonathan.

Habang hinahabol ni jonathan si maia ay bigla na lamang tumalon si elena sa harapan ni jonathan habang naka anyong leon, dinaganan ang binata habang nakalapat ang magkabilang kamay nito sa kamay ni jonathan at nakabaon ang mga matatalim na kuko nito sa laman ay nawalan ng kakayahang kumilos si jonathan dahil sa bigat ng leon na nakadagan sa kanyang harapan at sa binibigay na pwersa nito para siya'y patuloy na panatliing nakadapa.

Mula sa palad ni jonathan ay naging likido ang kanyang hawak na espada at namuo ito sa hugis bilog na bagay na kasing laki ng isang mansanas, lumutang sa ere ay na alerto si elena sa ginawa ni jonathan na nagresulta sa bigla niyang pagbitaw sa binata at Siya'y tumalon palayo para iwasan ang bolang dugo na kasalukuyang lumulutang .

Tama ang kutob ay bigla na lamang gumalaw ang bolang dugo at parang isang bato na ginamitan ng tirador ay agad itong bumala patungo kay elena

"Bwisit!"
Paatras tumalon ay hindi nakita ni elena ang kanyang natapakan at ng siya'y muling aatras ay hindi niya namalayan ang naka harang na malaking kapiraso ng bakal sa kanyang likoran.

Nasagi bigla ang binti sa pag atras ay siya'y nawalan ng balanse at bumagsak sa lupa.

"Elena!"

Mula sa itaas ay agad nagtungo si maia pababa at bumagsak sa harapan ni elena at agad sinipa ang bolang dugo gamit ang kanyang paa.

"**Bugso ng hangin**"
Nakabalot ng umiikot na hangin ang paa ni maia ng tumama ito sa bolang dugo.

Tumalsik ang bolang dugo pabalik sa kinalalagyan ni jonathan at bumaon ito sa lupa.

Nakatayo matapos sipain ang bolang dugo ay bigla na lamang nadapa si maia sa kinatatayuan habang nag uusok ang kanang binti na pinang sipa niya.

Kahit na binalot niya ito ng hangin mula sa kanyang elemento ay hindi pa rin nito nagawang protektahan ng lubos ang paa ni maia mula sa sinumpaang dugo ni jonathan.

Kasalukuyan itong tila ba nasunog at kasalukuyan pa umuusok, bakas sa kanyang balat ang paso at pamamalat ng binti dulot ng matinding init.

"Jonathaaaaaaaan!"
Pasigaw na wika ni elena at bigla siyang pumutok sa galit.

"Teka elena, kalma ka la-"
Nagsasalita pa si maia habang nakadapa sa putikan ng biglang lusubin ni elena si jonathan.

Walang emosyon ay dahan dahan tumayo si jonathan, ang kanyang dugo ay muling nagtipon tipon at naging espada sa kanyang palad.

Nakapuntirya ang malalaki at matatalim na pangil sa leeg ni jonathan ay buong lakas kumuha ng bwelo si jonathan at ihinanda ang kanyang espada.

Isang malakas na pagsabog ng enerhiya ang naganap ng magsalpukan ang pangil ni elena sa espada ni jonathan.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now