Sumalungat sa kapalaran

590 22 0
                                    


7:21AM.

"Haaaa..."
wika ko habang nakahiga sa aking desk.

Malalim ang aking mata at tila ba lumulutang ang aking diwa.

Dahil sa nangyari kagabi ay kinailangan naming mag usap usap nila lee at sherly sa aming gagawin lalo na at alam na namin ang pagkakakilanlan ng bawat isa.

Alam na namin ni lee na isa palang mangangaso si sherly at bukod pa doon ay isang mataas na uri na nahahalintulad sa mga nobilidad ng mga aswang.

Kasalukuyan akong nasa aming klassroom, naka subsob ang mukha sa desk habang hinihintay ang aming guro, kumpara kahapon ay halos marami rami na rin ang pumasok na aking kaklase.

Not bad for day 3, ...

"Tol!, happy new year!"
bigla ako nakaramdam ng malakas na tapik sa aking likoran.

Uhg?, wrong timing ka pre puyat ako wag mo akong ganyanin!,

pumasok na yung isang baliw.

"Tol....salita ka naman jan"
Dahil hindi ako nakapag react agad sa kanyang ginawa ay agad siya humarap sa akin.

"oh!, anyare sayo?, puyat ka ata?"
pagtataka ni dante habang naka indian seat at nakaharap sa mukha kong nakasubsub sa desk.

"Anong happy new year,..january 9 na, 9 days ago na yung new year.."
naiwika ko na lamang habang inaantok pa.

Teka....

Muntik ko na nakalimutan ah!, trinaidor pala ako nito ah kasama yung isa....dapat kung hindi sila papasok na dalawa ay dapat tinimbrehan nila ako!.

Humanda ka makakatikim ka sakin kahit isang kutos lang!.

Nagsilbing gasolina ng makina ang galit at agad nagkaroon ng enerhiya ang aking katawan, inangat ko ang aking mukha at tumingin sa kanya.

"sabi niyo papasok kayo nung january 6!"
pagrereklamo ko sa isang nangigigil na tono.

Tumayo si dante sa pagkaka upo ng maramdaman ang aking pangigigil.

Dont do that animal instinct bulls*t on me!.

Tumakbo kana habang may lupa pa!.

"aha,..eheh,..."
bigla siya tumalikod at maglalakad na sana palayo sa akin ng agad ako tumayo.

Sa aking ginawa ay bigla siya napatakbo at agad ko naman siya hinabol.

Tila ba nawala ang puyat sa katawan ay napuno ng lakas ang aking buong pagkatao dahil sa inis na nabuo.

Oo dahil lang doon ay tila ba nag activate ang aking sugar rush na dala ng emosyon.

Dire diretso kami palabas ng classroom, hangang sa hallway ay kasalukuyan kami naghahabulan hangang makarating kami sa mga annex building.

Gahh!, ang liksi niya!, alam kong athletic siya at wala akong tulog pero bakit parang ang bilis bilis niya.

Habang tumatakbo ay tumigin siya sa akin.

"jonathan sorry!,"
wika niya habang deretso sa pagtakbo habang nakatingin sa akin.

"sige na sige na!, pinapatawad na kita"

hinayupak ka, sige hinto ka at makakatikim ka!.

"nagsorry na ako bakit mo pa ako hinahabol!"
pagrereklamo niya.

"tumatakbo ka eh!"
Pasigaw kong wika.

"Hinahabol mo ako eh!"
Pasigaw niya ding tugon

Parang mga bata ay nagpatuloy kami sa aming ginagawang habulan hangang hingalin kaming dalawa.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now