" Pagod na Ako"

529 19 0
                                    

Nakatayo ay napa atras si maia habang nakatitig sa nilalang na nasa kanyang harapan.

"..she...sherly..."

Nalilito sa kung anong gagawin ay hindi makapag pasya si maia sa kanyang susunod na hakbang sapagkat hindi niya sukat akalain na ang kanyang kaklase na araw araw niya kasama sa kanilang paaralan sa loob ng mag si-syam na buwan ay isa palang nilalang na kung ituring ay mortal na kaaway ng mga aswang, mortal na kaaway niya at ni elena.

Isang mangangaso, isang nilalang ng liwanag na may kapangyarihang kumitil ng halimaw at ayun ang pinaka rason kung bakit sila nabubuhay.

Si sherly na kanyang nakaka-usap araw araw at nakakasama paminsan minsan ay isa sa mga nilalang na iyon.

Binabalik tanaw ang bawat sandali sa nakalipas na buwan ay hindi man lamang niya namalayan na may itinatago palang sekreto ang kanyang kaklase na ngayon lamang nabunyag.

"Isang mangangaso..."

Nahiwagaan si maia sa kung paano at ano ang dahilan ng kanyang biglaang pagsulpot o sa kung ano ang koneksyon niya sa kasalukuyang nangyayari sa kanilang kapaligiran.

At..ang pinaka importante sa lahat ay kung bakit niya iniligtas si jonathan sa tiyak na kamatayan sa kamay ni ulrik.

Naglalaro sa isipan ni maia kung si sherly ba ay isang kalaban o kaibigan, isa ba siyang mangangaso na pinadala para magsilbing espiya sa timog foundation tulad ng ginagawa ni elena o sadyang tila ba nagkataon lamang ang lahat na ani-niya'y nakikipaglaro ang tadhana sa kanya.

"Maia....bakit hindi ka gumagalaw?"
Wika ni sherly habang nananatili siya sa kanyang tindig.

Isang palaban na postura.

"......"

"...."

Nakatayo ang dalawa na halos ilang metro lamang ang agwat sa isat isa ay pawang may naramdaman silang mga grupo ng nilalang na paparating.

Hindi mga nilalang na tulad nilang may kapangyarihan kundi mga normal na tao lamang.

Magkakahiwalay na nakakalat sa sulok habang papalapit ng papalapit sa kanilang kinalalagyan na kung susumahin ay nasa 200 metro paikot sa kanila.

Nakatirik ang inang buwan sa alapaap kaya kahit wala ang kasalukuyang artipisyal na liwanag sa kapaligiran dahil sa mga nabuwal na poste ng ilaw na tinangay ng alon ay hindi maitatago sa mata ng mga tao ang kasalukuyang nangyari dahil sa lakas ng liwanag na ibinibigay ng buwan.

"Oh..andyan na sila"
Wika ni sherly sa sarili.

Naramdaman ang prisensya ng mga tao na hindi bababa sa sampu na nagmamadaling naglalakad patungo sa kinalalagyan nila ay halos magkasabay kumilos ang dalawa ngunit sa magkaibang pakay.

Mula sa dalawang palad ni sherly ay dahan dahang lumiiit ang kanyang sagradong armas ,nawala ang pagliliyab at naging kapiraso na lamang ng liwanag hangang maglaho ito sa kanyang palad.

Si maia na tatalon na sana patalikod para kunin ang wala pa ding malay na si jonathan para itakas ay napahinto sa kanyang balak gawin.

"Anong?-"
Pagtataka ni maia habang nakatitig kay sherly.

Tuluyan nang mawala ang sagradong armas at muling itinago ang prisensya ng kanyang kapangyarihan ay naglakad si sherly patungo kay maia.

"Mamaya na natin ito ituloy.., ano masasabi mo?, Panandaliang kapayapaan?"
Usal  ni sherly habang naglalakad papalapit kay maia na kahit hindi pa sumagot sa kanyang alok ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Matapos madinig ang alok ni sherly at agad nagpasya si maia.

"Ayaw ko ng panandalian, gusto ko permanente"
Naiwika naman ni maia habang nanatiling nakatayo habang papalapit ng papalapit si sherly sa kanya.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now