Ang nangyayari sa kapaligiran

541 17 1
                                    

Sa isang madilim na silid ay kasalukuyang may mga nilalang na nagpupulong.

Magagara ang kanilang kasuotan at mukang may mataas na katungkulan sila sa organisasyon kung saan sila nabibilang.

Hindi kita ang kanilang itsura dahil sa dilim ng silid ngunit hindi iyon naging hadlang para nakapag pulong ng normal.

Dahil lahat sila ay pawang nakakakita sa dilim.

"Ano ang gagawin natin ngayon wala na ang ating mahal na reyna"

"Kumalma kayo, meron tayong nakahandang plano na susundin sa ganitong sitwasyon!"
Wika ng isang mataas at malapad na nilalang.

"Ngunit!, Hindi nagtutugma ang nangyari sa ating inaasahan!"

"Wag ka muna mataranta...hindi pa natin alam kung patay na ang mahal na reyna!"
Wika naman ng isa pa.

"Hindi maari!, Anong ginagawa ng mga heneral na mandirigma na kasa kasama niya!"
Wika ng isa sabay padabog na hinampas ang lamesang nasa harapan.

"Siguraduhin niyo ang mga pinagsasabi niyo!, hindi ako naniniwala na wala na ang mahal na reyna!"

Abala sa pag uusap ang mga nilalang sa paligid ng bigla na lamang magdabog ang isang nilalang na ani mo ay isang babae na naka upo sa gitna ng pinagpupulungan na mahabang lamesa.

"Kumalma kayong lahat"
Wika ng babae at siya ay tumayo sa kanyang inuupuan.

Ang nag iisang makalmang nilalang sa pulong at ang nagiisang nananatiling tahimik sa lahat ng nilalang sa loob ng silid.

"Susundin natin ang tradisyon ng angkan, at ako bilang pinakamatandang anak ng mahal na reyna ang ang papalit sa kanya"
Diterminadong wika ng babae na nagngangalang euia na siyang prinsesa ng kanilang lahi.

"Mahal na prinsesa euia, hindi pa natin alam kung nagapi ba talaga ang mahal na reyna!, Wala pa tayong natatagpuang katibayan sa nangyari"
Wika ng isa pa sa mga nilalang sa di kalayuan.

"Namatay man o hindi ay sa akin din mapupunta ang korona, ano pinagkaiba?, Karapat dapat ba na ituring na reyna ang isang pinuno na bigla na lamang magwawakas ang buhay sa isang nilalang lamang?"
Wika ng babae na pinangalanang euia ng isa aa kanila.

"Lapastangan!, ka prinsesa euia!, bakit mo nasabi ang bagay na iyon!, Malay natin hindi lamang iisa ang nakalaban niya at namali ang inpormasyon!"
Wika ng isa sa mga nilalang at padabog siyang tumayo.

Agad na naghanda ang mga nilalang sa loob ng kasalukuyang pinagpupulungan sa maaring mangyari.

Nag sitayuan ang mga naka upo at nagtitigan ang lahat ng nilalang sa paligid.

Lahat ay uhaw sa dugo at sa maaring mangyari sa loob ng pinagpupulungan.

"Sino sino ang mga hindi sang-ayon sa aking pag akyat sa trono?, Magtaas ng kamay"
Mahinay at malinaw na wika nang babaeng nagngangalang euia na siyang pinakamatandang babae na panganay ng reyna ng kanilang angkan.

Kasalukuyang nag taas ng kamay ang isa sa mga nakasagutan ni euia, dahan dahan din nagsitaasab ng kamay ang iba pang mga myembro ng mga nobilidad sa kanilang angkan.

"Mas maganda kung nagkakaintindihan tayo, ....so~ kayo kayo ang mga hindi sang ayon sa aking nais mangyari?"
Wika ni euia habang nakatingin sa mga nobilidad na nakatayo.

"Hindi ako pumapayag na isang kalahating nobilidad lamang ang mamumuno ng ating angkan, panganay ka sa lahat ng anak ng mahal na reyna ngunit anak ka lang niya sa isang mababang uri na nilalang, hindi ka isang purong dugong bughaw"
Wika ng isa sa mga nakatayong nilalang habang nakataas ang kamay nito.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu