Fateful Love

1.2K 29 2
                                    

Naniniwala ka ba sa tadhana?.

Hating gabi, kasalukuyan akong gising at nagbabasa ng journal tungkol sa mga aswang.

Hindi ako magawang patulugin ng aking curiosity, matapos ko magawa ang research paper tungkol sa aming gagawing report tungkol sa mga aswang.

Alam mo yung pakiramdam na hindi ka makatulog dahil kailangan mo ng kasagutan sa mga nalaman mo....ganun ang nararamdaman ko.

Wednesday sana ang aming gagawing report ngunit naging busy ang mga guro nung panahong yun kaya napagdesisyonan nalang ng aming guro na gawing sa susunod na linggo na ang aming report.

Habang nagbabasa ay hindi ko naiwasang ipagkumpara ang mga nakasulat na kaalaman sa mysteryosong journal at ang mga nakasulat sa internet at libro tungkol sa mga aswang na ginamit kong refference sa gaganaping report.

hindi ko pwedeng gamitin ang journal eh, baka mapansin nila na may alam ako.

Ilang araw na rin ang lumipas ng mabuo ang aming grupo, ilang araw na rin ng malaman ko ang totoong pagkakakilanlan ng dalawa sa aking mga kaklase, si elena na isang aswang na kayang magbago ng anyo bilang isang malaking itim na pusa at si maia naman na kayang maging taong ibon.

Nagagawa ko ng kausapin si maia na hindi ko sukat akalaing magagawa.

Napapadalas na rin ang pag uusap naming tatlo sa klase dahil na rin siguro sa samahang nabuo nung araw na yun.

Nakakasabay ko na nga si maia tuwing lunch at nakaka usap ko na siya sa isang normal na pag uusap na parang matagal na kaming magkakilala.

Ganun din si elena.

"Hmmm, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari ah.."

Nagpatuloy ako sa pagbabasa sa journal hangang sumuko na talaga ang aking mata at tuluyan akong nakatulog.

************************************

Kinabukasan.

Nagising ako ng wala sa oras dahil sa pagpupuyat, nagkaroon ng kaunting pag aadjust at nagawa ko pa maligo bago nagbihis at dali daling umalis para habulin ang aking oras na itinulog.

Kasalukuyan ako naglalakad ng mabilis papunta sa aking klasroom.

Nang makarating ako sa aming klassroom ay agad ako pinagtinginan ng aking mga kaklaseng pawang naka upo na at tila ba ay hinihintay ako.

"oi, pumasok si jonathan!, hahaha"

" hahaha, yun pala siya eh!"

" maam si jonathan oh"

" akala ko a-absent na dahil sa report lang"

" pasok na dali!, baka maabutan ka ni terminator!"

Wika ng aking mga kaklase ng makita akong nakadungaw.

" oh!, akala ko i-indyanin mo na ako ah"
narinig kong wika ni dante na nasa harapan na pala ng blackboard.

Kasalukuyan siya nag aayos ng kanyang kagamitan sa harapan ng pisara na kung hindi ako nagkakamali ay laptop at projector ang kasalukuyan niyang kinakalikot.

Realy?, nagdala pa siya ng laptop para sa aming report?.

Wo..wow...raz**r....high end gaming laptop...

"oh, jonathan, pasok na.."
wika ng aming guro sa akin.

Panandalian ako pumunta sa akin upuan para ilapag ang aking bag at kunin ang mga bagay na aking kakailanganin sa aming gagawin.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now