Si Lavender

1.6K 40 4
                                    

Sa gitna ng kagubatan na malayo sa komunidad.

Patululoy sa pagdugo ang naputol na kaliwang braso habang hindi makagalaw sa sumpang nailagay sa aking katawan,hindi rin makapagsalita ng maayos dahil sa nagilitang lalamunan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Patululoy sa pagdugo ang naputol na kaliwang braso habang hindi makagalaw sa sumpang nailagay sa aking katawan,hindi rin makapagsalita ng maayos dahil sa nagilitang lalamunan.

kalunoslunos ang aking kalagayan nung mga oras na yun.

"pagmasdan mo ang iyong kalagayan!, pagmasdan mo ang mga alagad mong wala ng buhay!, nakakalungkot diba?"
Isang boses na may halakhak ang aking nadinig sa di kalayuan.

kinagat ko ang aking labi hangang magdugo ito dahil sa sobrang pagkainis sa sarili.

dito na ba?.

Dito na ba magtatapos ang aking paglalakbay at paglalathala ng  kwento tungkol sa kasaysayan.

"Punong mandirigma!"
sigaw ng isa sa aking mga kasama.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nagkalasog lasog na ang kanyang kanang balikat at bali bali narin ang kanyang mga binti habang nakahandusay at makatingin sa akin.

Wala akong magawa kundi maawa na lamang at makonsensya dahil ako ang dahilan sa kasalukuyan niyang kalagayan.

"huh?....ikaw?...nakakalipad ka diba?, ano pang hinihintay mo,tumakas ka na!"
kahit nahihirapang huminga dahil sa nagilitang leeg ay pinilit ko pa ring magsalita.

Bumangon ang lalaki at tinangkang magpalit anyo sa isang nakakalipad na nilalang ngunit wala na siyang lakas para makapag palit mg anyo pa kaya muli siyang bumagsak sa lupa.

"hindi maari"
naiwika ko na lang habang kapwa kami walang magawa sa aming sitwasyon.

"nais ko lang po malaman niyo na napakalaking karangalan sa aking buhay na mapagsilbihan ko ang isang katulad niyo mahal na prinsipe.."
wika ng katabi ko bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Matapos magsalita ay ibinuga niya na ang kanyang huling hininga at namahinga na.

Unti unting naging abo ang kanyang katawan at tuluyang nawala ang kanyang presensya sa aking tabi.

Napaka bata pa niya.

Bakit......

Masyado pa siya bata...

Pilit ko inabot ang aking kamay sa kanyang abo ngunit hindi ko nagawa.

Wag ka mag alala, susunod na rin ako sa iyo iho.

Tumingin ako sa aking paligid at isa isang pinagmasdan ang aking mga namatay na kasamahan,kaibigan at tagasunod.

Kung nag ingat lang sana ako.

Hindi kami sana nahulog sa ganitong ka simpleng patibong.

Parusa ko eto sa maling desisyon na ginawa ko, huwag kayo mag alala susunod na rin ako.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now