Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II

739 22 1
                                    

14 Years Old

Nakagawian na ni prim ang maglakad lakad tuwing week end. isa ito sa kanyang mga hobby ang maglakad, dahil sa kanyang paramdaman ay bawal siyang magpagod ng husto kaya ang paglalakad ang nagsisilbi niyang pinaka ehersisyo. dahil nakatira sila sa isang subdivision habang nasa tabing dagat ay hindi nakakasawang lakarin ang kanilang lugar kaya palagi niya etong ginagawa.

Lugar na napapaligiran ng mga puno na nakalinya na maayos sa gilid ng kalsada. mga halaman na maayos na nakortehan at malinis na kapaligiran, sabayan pa ng banayad na tunog ng alon sa tabing dagat.

Eto ang scenery na kanyang nakikita tuwing siya ay naglalakad.

Usualy ay ginagawa ni prim ang paglalakad lakad tuwing hapon kapag maganda ang panahon at hindi mainit.

3:31 PM Saturday

Madilim ang kalangitan at tila ba ilang minuto na lamang ay uulan na ng malakas.

Kasalukuyang naglalakad ng mabilis si prim pauwi sa kanilang bahay, dahil madilim ang kalangitan ay napagdesisyonan ni prim na umuwi nalang ng bahay at baka maabutan pa siya ng ulan kapag pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad.

Usualy ay inaabot siya ng bandang magtatakip silim na tuwing siya ay lumalabas ng bahay ngunit ngayon ay napa aga ang kanyang uwi.

Matapos nakapasok sa kanilang gate ay dumeretso na siya papunta sa pinto ng kanilang bahay.

Tanging silang dalawa lang ng kanyang kuya ang palaging nasa kanilang tahanan dahil palaging wala ang kanilang magulang dahil sa trabaho.

Hating gabi na nakaka uwi ang kanyang ina samantalang seaman naman ang kanilang ama na kasalukuyang nakasampa sa barko.

Habang nakatayo sa tapat f pintuan ay kinuha ni prim ang susi ng kanilang bahay sa kanyang bulsa ngunit ng mailabas niya ito sa kanyang bulsa ay nalaglag ito.

Yumuko siya para kunin ang nalaglag na susi ng bigla niyang makita ang tsinelas ni juliet sa tapat ng kanyang tinatapakang doormat.

"?,...nandito si juliet?"
matapos makuha ang susi ay nanumbalik na siya sa pagkakatayo ngunit hindi niya pa agad binuksan ang pinto.

Si juliet ay childhood friend ng magkakambal at matalik na kaibigan ni prim, dati nilang kapit bahay si juliet ngunit nagkalayo silang tatlo ng lumipat ang magkakambal sa subdivision, pero kahit ganun pa man ay nananatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan hangang ngayon.

Nag aaral sila sa magkaibang paaralan ngunit balak lumipat ni juliet sa paaralan ng nagkakambal sa susunod na taon.

"Hmm....hindi man lang siya nag txt sa akin na bibisita siya, ako pa naman ang best friend niya at hindi si kuya"
wika ni prim sa sarili.

Ngumiti si prim bago binuksan ang pinto.

"hmmMn? siguro ang akala niya ay nasa usual routine ako, ok?, masupresa nga siya heheh"
wika niya ng makapasok sa loob ng kanilang bahay.

Maingat niyang inalis ang kanyang sapatos at dahan dahang isinara ang pinto.

Walang ingay na naglakad si prim papunta ng living room ngunit hindi niya nadatnan si juliet o maging ang kanyang kuya doon.

Sa itaas ng kanilang bahay ay dinig ang boses ng kanyang kuya at ni liet na nag uusap.

" i guese nasa itaas sila.."

Ang ikalawang palapag ng kanilang bahay ay ang lugar kung saan naroroon ang kuwarto ng magkakambal, dalawang kuwarto na pinaghihiwalay ng pader.

Dahan dahan umakyat si prim sa hagdanan para hindi mapansin ng dalawa ang kanyang prisensiya dahil balak niya pa ring supresahin si juliet.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now