Tatlong Baliw

589 23 2
                                    

Umaga, unang araw ng klase sa taong ito.

January 6, 6:33AM.

Kasalukuyan ko binabagtas ang daan patungo sa front gate ng aming paaralan.

Habang papalapit ng papalapit sa gate ng school ay ganon din ang lalong pag bilis ng tibok ng aking puso.

Gahhh!, excited !.

Pinagmasdan ko ang aking paligid at napansin na halos mangilan ngilan lamang ang naglalakad papunta sa gate katulad ko.

Well expected na yan, kaunti lang siguro papasok ngayon.

Malamang tinatamad pa ang iba.

Matapos makapasok sa gate ay agad na ako dumeretso papunta sa aming silid.

Habang naglalakad ay naamoy ko ang pamilyar na amoy, ang amoy ng highschool life, Haaa..its good to be back.

Excited nanaman ako!.

*~ clound in the mist of time, you must take your aim and play your game, emotional neglect is the price that you will pay for your desire~*

Habang naglalakad ay napakanta ako.

Matapos nakarating sa room ay agad ako pumunta sa pinaka dulo kung saan ay tabi ito ng bintana kung saan ay doon ang aking puwesto sa klase.

"Haaa...na miss kita~"
parang akong baliw habang kinakausap ko ang aking upuan, agad ako napatingin sa paligid at inalam kung may nakakita sa aking ginawa ngunit pasasalamat ko wala pang tao at ako pa lamang ang naroroon.

Pagka upo ko ay napansin kong tila ba maalikabok ang aking upuan kaya tumayo muna ako at pinagpagan ito bago muling umupo.

"wala pa din tao ah...hmm..maaga lang siguro ako.."
Umupo ako sa aking upuan at tumunganga muna.
.
.
.
.
.

Lumipas ang ilang minuto at kinuha ko ang aking cellphone at naglaro.
.
.
.
.
.
Lumipas ang sandali at naboring na ako sa aking nilalaro ngunit pansin ko na wala pa ding dumarating.
.
.
.
.

Bakit wala pa sila?.

"Tama ba ako ng napasukan na room?"
Tumayo ako sa aking upuan at lumabas ng pinto, tinignan ang karatula ng aking napasukang room at nalamang mali pala ang pinasukan ko.

stock room pala!.

isang bakanteng classroom na ginagamit na spare classroom.

Kaya pala maalikabok!.

My goodness!.

Ano ginagawa ko!.

Dali dali ko kinuha ang aking gamit at tinakbo ang tamang classroom.

"yun!"

Papasok na sana ako sa pinto ng makita ang last boss ng umagang paglalakbay sa paaralan.

Si sir rohelyo ay kasalukuyang nag aabang sa bukana ng classroom.

Bumilis ang tibok ng aking puso habang papalapit ng papalapit kay terminator este sir rohelyo.

"jonathan you are late"
bagong taon ay ayun ang naging bati sa akin ng pinaka the best teacher sa lahat.

Alam ko na ang gagawin kapag sinabi niya na ang magic word.

Ibinaba ko ang aking bag at nag push up possition na siya namang saglit niyang ikinagulat.

"g-good,.., ok!, give me 15...a.. mali, 10 lang.."
tipid niyang wika.

hmmmp!, 10?, minamaliit mo ba ako?, hah?, hindi na ako ang jonathan na inaakala mo!

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now