Hangang sa muling Pagbangon

449 14 0
                                    


Sa muling pagbangon ng haring araw sa dakong hilaga ay hihigitan nito ang liwanag na ibinibigay ng buwan, mananatili ang buwan sa pwesto nito ngunit nasa anino na lamang ng naghaharing araw na nagpapaliwanag sa buong sanlibutan.

Muling sumikat ang liwanag ng umaga sa muling paglabas ng araw na nagbigay ng kulay kahel na textura sa kapaligiran.

*Liwanag residence*

Matapos lisanin ng grupo ang balwarte ng mga aswang na pinamumunuan ni narding para takasan ang naka ambang panganib dala ng mga paparating na mangangaso ay hindi nasunod ang mga napagplanuhan nila maia at elena dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Buluntaryo at hindi nagdalawang isip si sherly ay agad niya inanyayahan ang grupo nila maia sa kanyang lugar para makapagtago muna at maisaayos ang mga susunod na hakbang na kanilang gagawin, ipinaliwanag ni sherly na ang pagpapahinga sa kanyang lugar ang pinaka mainam na desisyon dahil sa protektado ito ng kanyang salamangka at bukod pa doon ay kilala siyang mangangaso kaya walang sino mang mangangaso ang magbabalak mag isip na pumunta sa kanyang lugar o pag isipan siya mg masama.

Hindi na nag isip si maia ng malalim at agad tinangap ang alok ng mangangaso dahil sa wala na siyang ibang pagpipilian pa dahil sa kasalukuyang nangyayari.

Bukod pa doon ay napag isipan din nila na maganda itong pagkakataon na ipaliwanag sa lahat ang kasalukuyang nangyayari lalo na kay jonathan na walang alam sa mga nangyari sa kanya sa lumipas na araw na nasa kontrol siya ng kalaban.

Naglalaway habang magkayakap na humihilik ang magkakambal na natutulog sa sahig na may kumot ay may isang dalaga na lumapit sa kanila.

"Gising na....nurse fiore"

Isang marahan na tapik ang naramdaman ni yllis mula sa kanyang balikat na gumising sa kanyang diwa, nanatiling nakapikit ang mata ay nagreklamo siya habang sinusulit ang kanyang pagkakahiga sa sahig na gawa sa tiles na kanilang nilatagan ng karton at tinulugan.

"HmHmuwag ka magulo...p..rim...natutulog..p..pa ako eh"
Wika ni yllis habang kayakap at mahimbing pang tulog ang tinutukoy niya.

Napakamot ng ulo ang gumigising kay yllis ay sinunod niya namang ginising ay ang kakabal nitong babae na tulad ng ginawa niya kanina ay tinapik niya din ng marahan ang babae.

"Ma'am fiore...gising na mag aalmusal na tayo"

"Yllis...wag ka magulo~,magiging m..milyonarya na a..ako...isang tamang sagot na lamang sa who wants to be...a..mil-"

Kumunot ang noo ng babae dahil sa kilos ng dalawa ay agad na siyang nawalan ng gana pa na gising ang kasalukuyan pang nananaginip na magkakambal.

"Sa tingin ko ay mas mainam kung hayaan mo muna sila sherly, tayo na lamang muna ang kumain.."
Mula sa kusina ng naturang bahay ay may isa pang babae ang napakita at naglakad papalapit sa living room kung saan natutulog ang magkakamabal.

"M..maliligo muna ako maia,..."
Makalmang wika ni sherly habang nakatingin pa din sa magkakambal.

"Kung ganun ay...susunod ako, hintayin na lamang nating magising ang lahat,para sabay sabay tayong makapag almusal"
Wika naman ni maia.

"......"
Nanatling nakatitig si sherly sa magkakambal na tila ba ay walang pakealam sa mundo at masayang natutulog o nagagawa pang makatulog ng mahimbing sa likod ng mga nangyari sa kanila kagabi.

Napangiti si maia sa reaction ni sherly kaya saglit niya itong nilapitan at kinausap habang Siya'y tumingin din sa magkaambal.

"Nahihiwagaan ka ba sa kanilang dalawa?"
Usal ni maia kay sherly.

Dahan dahan napatingin si sherly kay maia.

"tao sila ..tama ba?"

"Oo, normal silang tao, nakagagamit sila ng salamangka sa tulong ng kwintas na ibinigay sa kanila ni elena"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now