Pagkawala ng pag asa

1K 27 1
                                    

Hindi magiging succesfull ang nararamdaman mo, tao ka lamang,..hindi kayo pwede, mauuna kang mamamatay at hindi kayo sabay tatanda.

Magiging makungkot lang siya sa akin.

"hindi pa naman kami eh, ihinahampas mo na sa akin ang katotohanan agad"
Ngumiti ako.

Ngayon ko lamang naisip ang ganoong bagay, posible ba magkatuluyan ang isang katulad niya at isang katulad ko?, magkaiba kami ng mundo.

Matagal siyang tumanda hindi katulad ko na mabilis lamang, ang isang segundo niya ay isang oras na para sa akin kung iisipin.

Naiinis ako!.

Naiinis ako!.

Muli ko naalala ang mukang pinakita sa akin ni lee nung sabihin niya ang bagay na yun.

Isang nakangiting muka.

Ang yabang niya!.

Sa galit ay bigla ko sinuntok ang dingding ng aking kuwarto.

" ArayY!"

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama, habang nagmumokmok sa loob ng aking dorm.

Matapos makarinig ng masasakit na salita sa lalaki na nagpakilalang fiance ni maia ay agad ako tumakbo paalis sa lugar na kinatatayuan namin.

Wala akong masabi sa kanyang sinabi kaya tumakbo nalang ako at umalis na talunan.

oo nga, ngayon ko lang naisip .magkaibang nilalang kami ni maia, siya at ako, hindi kami pwede, besides may fiance na pala siya eh, oo hindi ko naisip. wala pala sa itsura ang edad nila, matanda na si maia kung ikukumpara sa akin, ang kanyang panlabas na anyo lang ang bata, .....planong makasama habang buhay...of course meron na siyang ganun.

Naiinis ako sa aking sarili sa pagiging inosente ko.

Mukang naging tragic ang aking first love ah.

Habang nakahiga sa dorm ay nakarinig ako ng katok na nagmula sa aking pintuan.

7:31

Tumigin ako sa aking wallclock.

huh?, sino naman to?.

Agad ako nagpunas ng luha at dali daling tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kumakatok.

" e..e...elena!"
Bumungad sa akin si elena, nakasuot siya ng pangbahay na kasootan.

"hindi talaga nagkakamali ang aking pang amoy"
wika niya.

huh? ano daw?.

"bakit ka tumakbo nung kanina?"
agad niyang tanong at bigla siyang pumasok sa loob ng aking dorm ng walang pahintulot.

amoy? ,inamoy niya ang daan papunta! sa aking dorm! whaat!.

Ano siya aso!!

Wait..pusa pala siya.

Isinara ko ang pinto at tumingin ako sa kanya.

" so jonathan?, whats the big idea?, bakit ka tumakbo kanina?"
Muling tanong ni elena, humarap ako kay elena at ngumiti.

"alam mo na siguro pero lilinawin ko nalang,....may gusto ako kay maia"
wika ko habang nakatingin sa kanya.

"Hahahahhaha, obyus naman!, matagal ko nang alam. teka?, ah!, nagseselos ka no?, nagseselos ka sa sinabi ng aking pinsan!"
bigla niyang wika.

Pinsan!.

pinsan niya yung isang yun!.

" pinsan?, pinsan mo siya?"
nakatingin ako kay elena at sinuri ang kanyang mukha at ikinumpara ko doon sa mukha nung koreano.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now