Ang tunay na halimaw II

511 16 1
                                    

November 29

"isang kakaibang enerhiya kamo?"
Nakakunot ang noo ni elena habang nakikinig kay ken.

"Opo, isang kakaibang enerhiya na nakapalibot sa selda na pinapatakbo ng mga kakaibang mekanismo sa paligid"
Matapos magpaliwanag ni ken au mas lalo kumonot ang noo ni elena.

Sa sulok ay naka upo din si maia at katabi si jonathan sa couch, nakikinig ang lahat habang ikwenekwento ni ken ang mga bagay nanaranasan niya sa loob ng gusali.

"Kung ganon ay nakakabahala nga ang ganitong bagay, isang enerhiya na kumokontra sa kakayahan ng isang aswang na makagamit ng salamangka......ano pa ba ang mga bagay na naroroon na hindi pa natin alam"
Wika ni maia sa sarili habang nakatitig lamang si jonathan sa kanya.

Napansin ni maia ang kasalukuyang lagay ni jonathan na tila ba hindi makahabol sa pinag uusapan nila kaya sinubukan ni maia ipaliwanag ito sa kanya sa paraang maiintindihan niya.

"Jonathan...."
Wika ni maia ng may malambing na tono at nakangiting mukha.

Agad nabigla si jonathan sa nahing approach ni maia sa kanya,namumula ay lumingon siya sa babae.

"A...ano yun"

"Mukang nalilito ka Jonathan, ipapaliwanag ko sayo, kami ay nakakagamit ng kapangyarihan dahil sa enerhiya ng kalikasan o mas kilala sa katawagang mana...ito ay nakahalo sa hangin at likas ito sa mga lugar na napapaligiran ng kalikasan, parang oxygen na nakahalo sa hinihinga nating hangin ay ganun din ang binangit kong bagay..ang mana,...parang hangin din na pumapasok sa katawan at kapag nasa katawan na ay pwedeng gamitin para nakapag produce ng enerhiya na di kala unan ay magiging kapangyarihan, , ang binangit naman ni ken ay ang nagsisilbing humaharang sa pagpasok ng mana sa kapaligiran, ito ang pumipigil sa mga aswang na nasa loob ng selda para hindi makagamit ng kapangyarihan"
Mahaba habang pagpapaliwanag ni maia kay jonathan.

Muling tumingin si maia kay jonathan at napansing nalilito pa din siya, pinanatiling nakangiti ay sinubukan uli ipaliwanag ni maia ng mas maayos ang kanyang sinabi ngunit biglang may nagsalita sa kanyang tabi.

"Ah..in short!, Without the thing called mana....ay wala ding powers....kasi preni prevent ng seldang iyong ang pagpasok ng mana sa loob tama ba?...."
Wika ni amaryllis na nasa tabi na pala nila, may dalang pitsel na may nakatimplang kulay kayumanging likido at punong puno ng dinurog na yelo.

"Ice tea!"
Wika ni amaryllis at inilapag niya ang hawak na pitsel sa lamesa sa harapan ng couch kung saan naka upo sina maia at jonathan.

"S..salamat"
Naiwika naman ni maia.

"Mag meryenda muna tayo, "
Wika naman ni primrose habang naglalakad papalapit sa sala kung saan naroroon ang lahat, kakalabas lamang sa kusina habang may dala dalang kaldero.

"A..ano yan?"
Wika ni elena habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Chaaaampooorado~"
Wika ni primrose.

"C..champorado?...g..ganitong oras?, Sinong mag iisip na magluto ng champorado ng alas otso ng gabi?"
Wika ni elena habang nanatiling nakataas ang kaliwang kilay.

"Kami!,...teka kunin ko lang mga mangkok"
Wika ni primose at inilapag niya ang mainit na kaldero sa lamesa.

"Se..seriously.....
Naika na lamang ni elena.

************************************

A..ano to.."
Kasalukuyang nakatayo si jonathan sa loob ng isang silid.

Silid na nakapintura sa kulay puti, nakakasilaw ang kapaligiran dahil sa lakas ng liwanag na binibigay ng ilaw sa kisame, isang puting silid, isang lugar na iisipin mo ay pwedeng ilapit sa salitang langit kung saan doon napupunta ang mga namayapang kaluluwa.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن