Unang yugto ng umpisa

956 29 1
                                    


"Ok class, sino ang kayang makasagot ng katanungan sa blackboard?"
Wika ng aming guro.

Kasalukuyang nakasukat sa blackboard ang mga numero at formula na halos hindi na maintindihan ng aking primitibong utak sa sobrang kakomplekado nito.

Parang mga letra at numero sa ibang planeta ang nakasulat kahit normal naman itong roman alphabet at normal na numbers.

Tahimik ang klase at walang nagtangkang sumagot sa kakaibang engkantasyon sa blackboard sa takot na baka makapagtawag sila ng demonyo sa impyerno.

Ano yun?, mga letra pa ba yan?

"Hmm? Walang volunteer?, ok then!, pipili ako "

Nag umpisang tumingin ang aming guro sa mga estudyanteng naka upo na parang naghahanap ng sundalong isasabak sa gyera o di kaya naman ay isang puting kambing na isaskripisyo.

Agad ko inilayo ang tingin sa aming guro at baka ako ang mapili niyang maging sakripisyo sa harap ng blackboard.

Dahan dahan ko inilipat ang aking ulo para tingnan ang mga maaring maging tagapag ligtas.

Si dante na top 4 ay kasalukuyang tulala at tila ba nag overheat na ang utak.

Ang aming top 5 na babae sa aming klase naman ay tulad ko na hindi maka tingin sa aming teacher.

Ang top 3 naman namin ay kasalukuyang tila ba nag so-solve sa kanyang papel ngunit nagpapawis.

Tumingin din ako kay rhodney at nakitang nakatirik ang kanyang mata.

N..ngee.

"Wala talaga class?"
Huling babala ng aming guro.

Goodness!, simpleng formula lang yan hindi niyo ba kaya sagutin! Mga top 5!!

Sumunod na tiningnan ko ay ang aming class president na siya ding top 2 namin.

Tumigin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sa akin na ikinagulat ko naman.

Huh?.

Bigla siya ngumiti.

Haaaaa!!!

Sa aking harapan ay naramdaman kong naglakad papalapit sa akin ang aming guro.
Inayos ko ang upo ko at nagkunwaring nagsusulat sa papel.

Sa aking pagkukunwari ay himalang nagkabuo buo ang mga letra sa aking papel at lumabas ang formula sa katanungan sa blackboard.

2= (27) ÷ 64 =.38/ 284. 391
Y=

X- a2 = 35.94.

Y= 5237757

E.eto!. Pwede na to kahit mali!

Eto ang sagot!!

Na solve ko!!!. Pero sure ako mali!.

Yes!, kung marerecite ko ito ay para ko na din. Natalo ang top 5 kahit mali!.

. Yey! Its my time to shine na!!

Itataas ko na nasana ang aking kamay ng biglang may nagsalita.

" mam!, can i do it"
Wika ng isang feminine na boses sa di kalayuan.

Isang malababaeng boses ngunit nangaling sa isang magandang lalaki.

Lalaking naging popular lately sa aming klase.

Lalaking aking kinaiinisan.

"Lee?, uhmm..ok, sige..go"
Wika ng aming guro at naglakad siya pabalik sa harap ng blackboard.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now