Trouble is a friend

735 22 2
                                    

6:18AM

"He's there in the dark~"

"He's there in my heart~"

"He waits in the winds~"

"He's gotta play a part~"

"Trouble is a friend~...
Yeah trouble is a friend of mine~"

"Oh oh"
"Oh oh"

Ako'y nag e-enjoy na kumakanta habang nakasuot ng headset habang nakapila para magpa photo copy sa xerox machine ng biglang may nakisabay sa aking pagkanta.

Agad ko ihininto ang aking pinapatugtog at inalis ang earphone sa aking tenga sabay tingin sa pinangalingan ng boses.

"Oh problema..pre...ituloy mo lang....ganda ng boses mo ah"

"Alam ko yang kantang iyan eh....mas maganda yung remix...yung palaging ginagamit sa sayaw sa mga videos..mas maganda yun pre..ayun na lang ipatugtog mo"

Hindi pa ako nakakalingon eh tinadtadtad na ako ng pangungusap!.

Paglingon ko sa aking likoran ay nakita ko ang aking kaklaseng lalaki na tulad ko ay nakapila din sa nag iisang free public photo copy xerox machine sa aming paaralan.

Haaa... Sa dami ng maaring maging tao sa likoran ko ay eto pang isang to...umagang umaga eh... Why naman..

"Oh wag mo naman ako titigan ng ganyan...hindi biro..ngayon ko lang nalaman maganda pala boses mo ahha"
Wika niya at ako'y kanyang tinapik tapik sa balikat habang tumatawa ng parang wala ng bukas.

First of all ganito talaga ang default na mukha ko , isang seryosong mukha at mapanindak at ikalawa..alam kong sinasabi mo lang yan para makapag yabang ka sa akin kapag ako'y kumagat sa sinabi mo.

Agad ko hinampas ang kamay niya na tumatapik sakin ngunit hindi siya tumigil at lalo pa niya nilakasan ang pagtapik tapik sa akin.

Touch me not!!!.

Noli me tengene eh!.

Carlo ang pangalan niya, isa sa aking mga kaklaseng lalaki na kung ide-describe ko ay sobrang nakakairita...may pagkamahangin ngunit hindi iyon ang nakaka inis sa kanya.

"Oh..pre bakit tahimik ka pre?....magsalita ka naman~"
Muling wika niya at ihininto ang pagtapik sa aking balikat at pinalitan ng pag sundot sa aking tagiliran.

Isang extrovert na mahilig mag invade ng personal space ng iba...yup...tulad ng ginagawa niya ngayon sakin ngayon.

Tapos soooobrang madaldal at pakealamero at palaging nagmamagaling at loko loko...teka mauubusan na ako ng"  at" sa dami ng reklamo ko sa personalidad niya.

"Oh pre...magpapa xerox ka din?"
Wika ko sa kanya para siya'y pansinin at ng sa ganun ay matigil ang pangugulo niya sa akin.

"Xerox?..bwhahah....photo copy tawag dyan pre..hindi xerox! Sus~"
Wika niya ng may pagmamalaki.

Nakatayo ay pinagtinginan kami ng mga kapwa estudyante sa paligid.

Anong pinaglalaban mo?...nakasanayan ko na tawaging xerox machine ang photo copy at anong point ng pag correct mo sa akin?.

Nainis ay tunalikod na ako sa kanya at muling pinatugtog ang aking pinakikingan na kanta.

Hindi na inalam ang kanyang ginagawa sa aking likoranan ay nagpatuloy na lamang ako sa pakikinig sa aking earphone habang ikinakanta sa aking isipan ang bagong kanta na pinapatugtog ko sa aking cellphone.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now