Anong bago sa umpisa ng taon?

550 23 0
                                    

Isang araw bago magbalik eskwela.

8:34AM.

"january 5 huh? "
wika ko sa sarili habang nakatigin sa kalindaryo.

Kasalukuyan ako nakahiga sa aking kama sa loob ng aking kuwarto sa aking apartment.

Nakatingala habang inaalala ang mga nangyari sa akin nung nakalipas na bakasyon.

Matapos ko makabalik ng ligtas nung gabing iyon ay sari saring tanong ang itinanong sa akin ni elena.

Sinagot ko naman iyon lahat ngunit tulad ng napagkasunduan namin ni lena ay i s-secreto ko muna ang tungkol sa kanya kay elena.

Isang sikreto na nagawa kong itago kay elena.

Kina umagahan nung habang naghahanap ng ligaw na gulay si mam fiore at naghahanap naman ng kabute si sir fiore para gawing almusal ay natagpuan nila si lee ang missing in action na sana ay killed in action nalang.

Nakangiti siyang natutulog sa silong ng punong kahoy habang yakap yakap ang sarili at tila daw nananaginip habang kinikilig.

Ngee...

Ang akala ng lahat ay umalis na siya sa lugar matapos may makasagupang mangangaso ngunit nanatili pa pala siya, nanatili para magliwaliw.

"Haaa,..hindi ako makapaniwalang january 5 palang,  6 na buwan na ang lumipas sa akin eh"
wika ko sa sarili.

Matapos nang nangyaring incidente ay kinailangan muna ni elena na umalis dahil nalaman na ng kanyang ama ang kanyang mga pinagagawa.

Tanging siya lang ang pumunta at panandaliang ibinigay kay lee ang pamumuno sa aming grupo, in short si lee ang naging incharge sa amin .

Nawala man siya sa aming lugar aty kahit ganun ay sinunod pa rin namin ang mga plano ni elena.

Ayon sa plano ay pagkatapos ng aming mental training ay susunod na ang actual combat at pagsasanay sa amin para gumamit ng kapangyariha at turuan kung paano ito gagamitin.

Napagpasyahan ni elena na karapat dapat na talaga kaming i daan sa pagsasanay kaya naki usap siya kay lee at pumayag  naman siya agad.

At doon nag umpisa na kami.

Ang pag e-ensayo sa isang lugar kung saan ay mabagal ang takbo ng oras.

Ang lugar ay doon din sa mismong nayon na kinokontrol ni elena sa loob ng isang nakatagong kweba na itinatago ng malakas na salamangka na tanging mga dugong bughaw lamang ng silangan ang tanging kayang mag bigay pahintulot na makapasok.

Wala naman naging problema dahil kasama namin si lee na may kaparehong autoridad sa lugar tulad kay elena.

Ang isang araw doon sa loob ng kweba ay tila ba ilang linngo na sa totoong mundo.

Ayon sa kanila ay nagkalat daw ang ganoong lugar sa bansa at marami rin daw taong napapasok sa ganoong lugar at bumabalik ng wala na sa tamang oras ang takbo ng buhay.

Mga taong naliligaw sa ibang mundo at nakakabalik na iba na ang tanda ng mga tao sa kanyang paligid.

Parang sa mga kwentong matatanda kung iisipin.

Kasama si maia ang dalawang kambal , si lee at ang apat na mandirigmang aswang na nagsilbing trainer namin ay nanatili kami doon ng mahigit anim na buwan sa lugar na iyon.

Ang dalawa ay pinadala ni elena kapalit niya na magtuturo sana sa amin ng maraming bagay. ang dalawa naman ay galing sa faction ni lee, naisipan niya ito para mas lalo pa mapalawig ang aming kaalaman at bukod pa doon ay ayaw niya na siya ang magturo sa amin, ang apat ay pawang mga mandirigma ng angkang silangan kaya natuto kami ng maraming bagay.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now