Ang mga nilalang sa kapaligiran

Start from the beginning
                                    

Hawak ang tinidor ay kumuha ng putahe ang babae sa isa sa mga naka serve sa kanilang table at dahan dahan itong isinubo at nginuya, at matapos manguya ng gusto ay dahan dahan niya itong nilunok.

"Hindi ka kakain? Masarap ang mga pagkain nila dito..italian"
Wika ng babae sa kanyang kausap.

Kasalukuyang tulala ang lalaki habang nakatitig sa mga musikerong kasalukuyang nagpalatugtog ng musika di kalayuan sa kanilang kinalalagyan.

"Loosen up, wala tayo sa harap ng ating mga nasasakupan, maari tayong umastas tao dito sa lugar na ito"

Hindi alam kung naligaw ang diwa sa kagandahan ng kanyang kapaligiran o sa ibinibigay nitong pakiramdam sa kanya ay tila ba wala ang lalaki sa kanyang inuupuan kahit na katapat lamang siya ng babaeng nasa kanyang harapan.

"Prinsipe ulrik"
Wika ng babae sa isang seryosong boses.

Mula sa pananaginip ng gising ay nanumbalik ang diwa ng lalaki at dahan dahang lumingon sa babae.

"Pagpasensyahan mo muna ako..prinsesa eua-"

"Eunice...eunice ang aking ngalang tao "
Wika ng babae at nanumbalik sa pagngiti.

Huminga ng malalim ang lalaki at sa unang pagkakataon magmula nung umupo siya sa table ay sinubukan niya na galawin ang mga bagay na nasa kanyang lamesa.

Hinawakan ang baso na may red wine ay dahan dahan niya itong ininom.

"Umiinom ka kaagad, bakit hindi mo subukang kumain muna..."
Alok ng babae sa kanya.

"......"

"......"

Nanahimik ang lalaki ng saglit at nang muli sanang lilipad ang diwa ay biglang nagsalita ang babae.

"Alam mo...ang restaurant na ito?"
Wika ng babae sa isang pa-kwentong tono

Lumingon ang lalaki sa kanya ngunit naka pinta sa kanyang mata ang kawalang interest sa sasabihin ng babae.

"Ay pagmamay ari ng isang angkan ng aswang na kakatapos lang namin sakupin.....hawak ko na ito ngayon at ako na ang namamalakad dito"
Wika ng babae habang ipinagmamalaki ang kanyang iwinika.

Itinaas ng babae ang kanyang kanang kamay at ipinakita sa lalaking kausap, napatingin naman ang lalaki sa ginawa niya

"Gamit ang kamay na ito, ay dinukot ko ang puso ng kanilang pinuno at binunot ko iyon sa kanyang katawan na kanyang ikinamatay.....-"
Huminto ng saglit ang babae sabay tumingin sa kanyang kapaligiran habang pinagmamasdan ang mga kawani ng restaurant sa paligid nila.

"Ang mga musikero na nagpapatugtog ng musika ngayon.. , ang security personel sa pintuan at ang waitress kanina, pawang mga aswang sila na nakipaglaban sa aking hukbo nung silay aming lusubin, nasaksihan nila kung paano ko paslangin ang pinuno nila, pero ngayon tignan mo sila, pinagsisilbihan na nila ako na parang walang nangyari"
Wika ng babae sa isang nakakakilabot na ngiti.

Hawak ang kutsilyong panghiwa ng karne ay hiniwa ng babae ang steak na naka serve at gamit ang tinidor ay isinubo niya ang karne sa kanyang bunganga at nginuya ito habang ninanamnam ang bawat lasa nito.

"Sarap...."
Wika niya matapos lunukin ang karne.

"Kanina ka pa walang kibo ah, gusto mo sa isang pribadong lugar nalang tayo mag usap, marami dito...?"
Wika ng babae sa isang nakaka akit na tono habang nakatitig ng may kapilyohan sa lalaki.

Napansing wala pa din kibo ang lalaki ay binawi niya ang kanyang sinabi.

"Biro lang, pero kung gusto mo bakit hindi"
Wika at muling binuksan ang idea.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now