Hangang sa muling Pagbangon

Start from the beginning
                                    

"Hindi iyon ang ibig ko sabihin maia..."

"Alam ko ang iniisip mo ngayon sherly, bakit sila nasama sa nangyayari ngayon?, Maging kami ni elena at walang kasagutan sa kung ano ang motibo nila ngunit, masasabi ko na mapagkakatiwalaan silang dalawa"

"Ang kaligtasan nila?, Hindi niyo ba naisip, nakagagamit man ng salamanka o hindi ay tao pa din sila"
Muling ibinalik ni sherly ang tingin sa magkakambal.

"Sherly, kung kilala mo silang dalawa ay tiyak mapagtatanto mo na talagang nasa personality na nila ang kinakaharap nila ngayon, ilang panganib na din ang napagdaanan nila ngunit buhay pa sila"

"Ilan pa ba, sinuwerte lamang sila maia"

"Oo, sa mga ibang pagkakataon ay masasabing sinuswerte lamang sila at nakaka ligtas sa kapahamakan ngunit kung wala ay malamang ang lalaking nagngangalang jonathan ay wala na din....diba sabi mo sa akin kagabi ay siya lamang ang kakampi mo?"

"......"

"Hindi ko alam ang ibig mo sabihin ngunit...kung ganun-"

"Sige na maia, alam ko na ang nais mo ipahatid sa akin...."
Naiinip na sa pag uusap ay biglang pinutol na ni sherly ang kanilang usapan ni maia.

"Sherly..."
Baka maka alis sa lugar si sherly ay tinawag pa siya ni maia.

"......"
Huminto sa paglalakad si sherly art saglit na tumingin sa babaeng nagtawag sa kanyang ngalan.

"Maraming salamat kagabi, at ngayon"

"Masyado pa maaga para magpasalamat"
Tipid na wika ni sherly at siya'y lumisan na sa living room.

Nanatili sa living room si maia ay inasikaso niya ang kanyang mga dala dalang kagamitan magmula nung tumakas sila ni elena sa kaharian ng silangan.

Dala din ang gamit ni elena sa bag na ipinatago nila sa mga tauhan ni narinco xing na siyang dinala din sa pagtakas.

Mga pamalit damit at kasuotan sana na gagamitin ni elena ang nadala ni maia, tuloy tuloy sa paghahalungkat sa bag ng makita ni maia ang cellphone ni yfhana sa loob kasama ng mga iba pang gamit.

"?, Ang cellphone...mabuting ma-i charge ko ito, baka kailanganin"
Wika ni maia at naghanap siya ng outlet na mapag kakabitan ng charger



**********



Isang lugar kung saan ay tila ba isang silid na napapaligiran ng liwanag.

Kasalukuyang magaan ang aking pakiramdam nang ako'y bumangon sa pagkakahiga, kakaiba ang atmospera ng aking kapaligiran na nahahalintulad sa isang panaginip, puno ng liwanag at kapayapaan sa aking damdamin.

Kelan ko na ba muli naramdaman ang ganitong pakiramdam?

Parang matagal na panahon na ahh..

Nananaginip pa ako...

".....'
Sa aking harapan ay may isang babaeng tila ba hindi ako alintana at nakatitig lamang sa bintana ng naturang silid.

Isang babaeng may balingkinitang pangangatawan na may tangkad na nahahalintulad sa akin, makintab na kayumanging balat dahil sa sinag ng araw na tumatama, buhok na may haba hangang sa kanyang balikat na kapag natapatan ng araw ay tila ba nagkukulay kahel.

Sherly?.

Walang suot na kahit ano ang babae ay kitang kita ng aking dalawang mata ang kabuoan ng likoran ng kanyang hubad na katawan na kung aking ilalarawan ay masasabi ko na nahahalintulad ang kayang katauhan sa isang dyosa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now