Ang tunay na halimaw II

Comenzar desde el principio
                                    

Ngunit kahit ganun na nga ay hindi tugma ang kasalukuyang itsura ni jonathan sa kasalukuyan niyang kinalalagyan, bakas sa kanyang mukha ang pagkalumo, takot at kaba na animo'y hindi langit ang kinalalagyan niya kundi impyerno.

Sa gitna ng nasabing silid ay isang higaan, higaan na madalas makikita sa mga ospital sa loob ng operating room, ang parehas na higaan na hinihigaan ng mga taong ooperahan.

Sa higaang puti na ito ay may nakahiga.

Isang bata.

Babae.

Babaeng wala ng buhay.

Tumutulo amg dugo sa bangkay mula sa kanyang tiyan.....

Tiyan na nakabuka at mukang hiniwa sa gitna.

Kung saan kita ang kanyang mga lamang loob.

Isang pinag e-eksperimentohang bangkay ng isang babae na inabando na.

Doon lamang napansin ni jonathan na ang kinalalagyan niyang puting silid ay may bahid pala ng mga dugo, mga pulang dugo nagkalat sa paligid ng puting silid.

Puti at pula na naghalo, mala impyernong langit na tanawin.

Napahawak sa bunganga si jonathan ngunit agad na siya pinangunahan ng emosyong nabuo sa kanyang dibdib, agad siya nawalan ng lakas para tumayo at bumagsak ang tuhod niya sa sahig, rumagasa ang likido sa lalamunan ay bigla na lamang nagsuka si jonathan dahil sa kanyang nakita.

Isang hindi makataong gawain.

Tulala ay kasalukuyang hindi mawari ang kalagayan ni jonathan, nalilito natatakot, nanlulumo, naghalo halo lahat ng emosyon sa kanyang isipan sa kasalukuyan.

"Siguraduhin niyong ligtas ako! Kaya ko kayo binabayaran ay para proteksyonan niyo ak- ano problema?"
Pagulat na wika ng lalaki sa kanyang kasa kasamamg naka itim na umaastang body guard niya.

"Parang merong ano sa paligid natin.."
Wika ng lalaki habang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Habang naka yuko si jonathan sa sahig ay may nadinig siyang mga boses,isang nagrereklamo at isang nakikinig.

Tumingala ay nakita niya sa kanyang harapan ang itsura ng lalaking nagrereklamo, isang pamilyar na itsura na kilala niya sa mukha ngunit hindi sa pangalan, naka barong tagalog ang lalaki nasa bandang edad 50.

"Anong ano?...."
Wika ng lalaki at agad siya nagtago sa likod ng kanyang kasama.

Mula sa likoran ng lalaking naka itim ay binunot niya ang isang baril nagpaputok sa ibat ibang direksyon sa silid.

Nakatayo lamang si jonathan ng biglang tumama sa kanya ang isa sa mga bala na pinaputok ng lalaki.

"ArrRrGgHh!"
Matinding sakit ang naramdaman ni jonathan ng tumama sa kanyang binti ang isa sa mga bala ng baril, nawalan ng bisa ang salamangka ni lee ay bigla na lamang sumulpot si jonathan sa paningin ng mga tao.

Nawalan ng bisa ang salamangka ni lee na nagbibigay sana ng kakayahang hindi makita ng ibang tao kay jonathan.

"P..patayin mo na siya! H..hindi niya dapat malaman ang pagkakakilanlan ko!"
Agad na wika ng lalaking naka barong nang makita si jonathan na nakadapa..

"A..ang mayor!"
Pagulat na wika ni jonathan nang maalala ang pagkakakilanlan ng matandang lalaki.

"Kuya jonathan!"
Mula sa pintuan ng silid ay biglang pumasok si ken at nagmamadaling sinugod ang lalaking naka itim.

Naka anyong aso si ken ay kinagat niya ang kamay ng lalaki na nagdulot sa pagkalaglag ng baril sa sahig, ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at mukang sanay sa sakit ay buong lakas niya ibinalibag si ken sa katabing pader sa sulok ng silid.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora