Kalaban sa dilim VI

Comenzar desde el principio
                                    

Tumalsik si jonathan palayo at nagpagulong gulong sa putikan.

Si elena naman na natalsikan ng mga dugo sa katawan ay tumilapon sa ere, ang kanyang balahibo ay unti-unting nalagas at nang Siya'y bumagsak sa lupa ay naka anyong tao na siya.

"...nagpalit siya ng anyo bago makadikit sa balat niya ang dugo..."
Naiwika ni maia habang nakatitig kay elena na walang galos at hindi naapektohan ng sinumpaang dugo ni jonathan.

Hindi makatayo ng maayos dahil sa nangyari sa kanyang kanang binti ay pumagaspas si maia at nag umpisang lumipad sa ere.

Mula sa pagkakahiga ay muling tumayo si elena, naka anyong tao ay kasalukuyan siyang walang suot sa kanyang katawan.

"Ikaw lamang ang isa sa aking maasahan sa ganitong klaseng sitwasyon....ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa sarili mo...jonathan.."
Nakatayo si elena ay muli siya nagpalit ng anyo ngunit sa kalating taong leon lamang kung saan ay ang pawang kamay at paa niya ay nagkaroon ng matatalim na kuko habang sa kanyang ulo ay ang tenga ng pusa at mula sa kanyang likoran ay ang buntot.

Binuhat ang dalawang malaking bakal na ilang tonelada ang bigat ay hawak hawak niya ito na parang may bitbit lamang na pamalong kahoy.

"Masasaktan ka talaga sa gagawin ko"
Wika ni elena sa isang tahimik ngunit seryosong boses, na tila ba nangingigil ngunit puno ng emosyon.

"Ka..i..la..ngan..kit...a.....pa...t..ayin..."
Tanging naiwika lamang ni jonathan habang nakatitig kay elena.

Sinugat muli ang daliri para lumabas ang dugo ay nagpakawala si jonathan ng mas maraming porsyento ng kanyang dugo, ikunumpas niya ang kanyang kamay sa ere at sa mga dugo na lumulutang ay nagsihulmahan ito isa isa.

Tatlong patalim na gawa sa dugo ang kasalukuyang lumulutang sa ere na nasa diretsong kontrol ni jonathan.

Hindi nag aksaya ng oras ay agad niya kinontrol ang tatlo at agad ito dumiretso sa kinalalagyan ni elena.

Gamit ang dalawang malalaking bakal ay sinubukang hampasin ni elena ang unang paparating ngunit nabigo siya at agad ito dumeretso pataas inilagan ang paghampas ni elena.

Mula sa kasunod nito ay dumeretso ang patalim na gawa sa dugo sa tagiliran ni elena na dumaplis sa kanyang balat.

Agad nagkaroon ng paso ang kanyang balat sa bewang na kasalukuyang nag uusok, lumundag si elena at kanyang naiwasan ang pangatlo na tumusok sa lupa.

Sa itaas ay naroon na pala pabalik ang naunang talim, kasalukuyang hind naka tapak sa lupa dahil kakatapos lamang sa paglundag ay inikot ni elena ang kanyang katawan sa ere habang ginamit ang hawak na bakal bilang pabigat para makaikot, at isinabay ito sa pag atake na hinampas ng buong lakas ang paparating na talim sa kanyang itaas.

Nawasak ang patalim na gawa sa dugo at kumalat sa ere, mula sa mga patak nito ay natamaan ang katawan ni elena sa magkakaibang parte, ang pinaka malala na natalsika na parte ay ang kanyang kaliwang mata.

"arrHgg!"
Bigla ito nag usok at dahil sa nangyari ay nawalan ng focus si elena at hindi nakatapak ng maayos sa lupa nang siya'y nakababa galing sa pag ikot sa ere.

Abala si jonathan sa pag atake kay elena ng bigla na lamang may bumagsak sa kanyang harapan.

Si maia na pala na kanina pa nasa itaas at naghihintay lamang ng pagkakataon.

Sinadyang bagsakan ay bumagsak silang dalawa sa putikan at buong lakas niyakap ni maia si jonathan, naka anyong tao si maia ay mula sa kanyang kanang kamay ay may bigka siyang isinuot sa daliri ni jonathan, ang singsing na ihinagis niya kanina.

Ang singsing na ibinigay ni lee para itago ang lakas ni jonathan at ang hubog ng kanyang katawan.

Naisuot ang singsing kay jonathan ay agad siya nanumbalik sa dati niyang katawan na normal at walang muscle, maging ang pisikal na lakas niya ay nawala din at naging tulad sa normal na tao dahil na din sa epekto ng singsing na ang gamit ay para maitago ang nakuha niyang hindi pangkaraniwang lakas.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora