Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan

Comincia dall'inizio
                                    

" anong ipapangalan natin sa kanya talim?"
tanong ng aking ina sa akin.

" a..ako?, ako magpapangalan?"
pagtataka ko.

" Oo talim,..ikaw ang nakatagpo sa kanya eh,..isa ka nang kuya ngayon talim, protektahan mo siya lagi"
wika ng aking ama na todo ang suporta sa akin.

Pangalan..

Pangalan ...

Anong ipapangalan ko sa kanya?

Ah!..alan ko na.

ngumiti ako at tumingin sa sangol.

"magmula ngayon..tatawagin ka na naming..-"
.
.
.
.
.
.
.
.

15 years Later.

Kasalukuyan akong nasa kagubatan.

Isang kagubatan na napapaligiran ng malalaking kakahoyan at mga halamang gubat.

" dalampasigan!, dalampasigan? na saan ka na!, uuwi na tayo!"
sigaw ko habang may hinahanap.

Nasan nanaman kaya yung babaeng yun!.

Kung san saan nagpupupunta Haaa..kaya ayaw ko siyang isama tuwing mangangaso ako ng makakain eh.

Isinabit ko sa isang sanga ng puno ang nahuli kong malalaking ibon.

Gamit ang mga ugat ng puno ay Kasalukuyang nakatali ang paa ng mga naglalakihang ibon habang nakasabit sa sanga kaya hindi sila makakatakas.

Iniwan ko ang aking nAhuli para hanapin si dalampasigan.

Ang makulit kong kapatid na babae.

Sa aking likoran ay may narinig akong kaluskos , agad ko tinungo ang pinagmulan ng tunog at doon nakita ko si dalampasigan na nakikipag basagan ng buto sa baboy ramo.

Isang malaking baboy ramo.

"a..anong!, h..hoy!, anong ginagawa mo? delikado yan ah!"
wika ko nang makita siyang hawak hawak ang ulo ng baboy ramo habang siya ay nakasakay at pilit pinapahinto ang tumatakbong hayop.

Dire diretso ang baboy ramo sa pagwawala habang nakasakay si dalampasigan si likoran ng hayop ay sumipa ito sa likorang paa ng maka ilang beses.

Hindi nagpatinag ang makulit kong kapatid at mas lalo niya hinigpitan ang kanyang kapit sa ramo.

Nagpatuloy ang baboy ramo sa pagwawala, bigla ako nakita ng hayup at tila ba ay ako naman ang napag initan, hindi alintana ang nakasakay na tao sa likod niya ay ako naman ang tinumbok at sinugod ng baboy ramo.

" o...oi!, bakit ako!"
wika ko at nag umpisa na akong tumakbo.

"k.kuya tabi!,.."
sigaw naman ni dalampasigan sa akin habang lulan ng baboy ramo.

Habang hinahabol ako ay makailang ulit uling sumipa ang baboy ramo at sa ikatlong pagkakataon ng pagsipa ay tumilapon si dalampasigan sa lupa.

Matapos makita ang nangyari ay agad ko hinarap ang baboy rano at inilabas ang aking armas. isang matulis na kahoy na may talim sa dulo.

Nakalingon ang baboy ramo kay dalampasigan ng bigla o tuhugin ang hayop gamit ang aking armas.

"Oieeek!"
nagpakawala ng kakaibang iyak ang hayop bago binawian ng buhay.

Dali dali ako lumapit kay dalampasigan na dahan dahang tumatayo.

"o..a..ayos ka lang?"

Kasalukuyan siyang nagpapagpag ng damit.

"ayos lang hehe"
nakangiti niyang wika.

Pinagmasdan ko ang kanyang katawan at napansing puno siya ng sugat at galos dahil sa kanyang ginawa.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora