Pagkadapa ko ay agad ko siya pinakitaan ng malupit na push up.

Nagawa ko ang kanyang pinapagawa ng walang kapagodpagod at pawis na pumapatak.

Diretso rin ako tumayo at nakangiting humarap sa kanya ngunit agad ako nagulat ng malaman kong nasa harapan ko na pala siya at halos ilang sentemetro lamang ang layo niya sa akin habang tinitignan ako ng seryoso at may hindi makapaniwalang mukha.

E..ano?.

Agad niya hinawakan at pinisil pisil ang aking braso.

"hmm?, jonathan?, wala ka muscle...pero paano mo nagawa yun?"
pagtataka niya.

patay na!, dapat naglampa lampaham ako!.

"a...eh..uhm."
Kasalukuyan akong nag iisip ng sasabihin habang nag umpisa na akong magpawis.

Sa tingin ko ay ilang segundo nalang ay iilaw na ng pula ang kanyang mga mata.

"Hmm...anyway...sige pasok ka na,.."
wika niya ng wala ako maisagot.

Tumalikod siya at naglakad na papasok sa classroom.

Haaa...muntik na..

Naglakad ako papasok sa classroom at doon ko nalaman kung bakit niya ako pinagbigyan.

Tanging lima lamang ang pumasok sa aming klase ngayong araw.

Ako , si joan isang masipag pumasok na estudyante, si shelry na isa sa top 5 students sa aming klassroom at isa din sa most diligent na estudyante, Si lee na ewan ko kung bakit pumasok, si sean na normal na estudyante at ang isa sa palaging kasama ni maia na pocketbook nerd na si mina.

Teka?, na saan si maia?.

Ano nangyari?.

Napatingin ako kay lee.

Naglakad ako papunta sa tabi ni lee at hindi naman nag reklamo si sir rohelyo sa aking ikinilos dahil mangilan ngilan lang kami at bakante halos ng upuan.

"ano ginagawa mo"
wika ni lee ng hindi binubukas ang bunganga.

"may tatanugin lang ako"
wika ko at ginaya siya, na magsalita sa loob ng bunganga.
Umupo ako sa kanyang tabi at kunwari munang tumingin sa blackboard.

"sir,..may klase ba?,...wala namang estudyante eh.., "
wika ni ken na parang tinatamad.

"ano tawag sayo guro?,estudyante ka diba?"
wika ni sir rohelyo.

Haharap na sana si sir rohelyo sa blackboard para magsulat ngunit bigla tumunog ang kanyang cellphone.

Agad niya ito kinuha sa kanyang bulsa at may pinindot, at muli ibinalik sa kanyang bulsa.

H..hindi niya sinagot?, nope!, hindi man lang niya tinignan kung sino ang tumatawag?.

Itutuloy niya na sana uli ang pagsusulat ng may tumunog nanaman na nangaling sa kanya.

Natawa kami ng maglabas uli siya ng isa pang cellphone sa kabilang bulsa.

Ngee!, dalawa ok?, dalawa cellphone niya, at sa tingin ko yung tumatawag kanina ay siya rin ang tumatawag ngayon.

"sir, sagutin niyo nalang baka importante yan"
wika sherly.

"Hmm, sige...,"
tipid niyang wika at lumabas na siya.

Wow~.

"Haaaarrrhg!, nakakatamad na talaga! gusto ko matulog!"
muling pagrereklamo ni sean.

Tinatamad siya huh?.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now