Chapter 4- The school

Magsimula sa umpisa
                                    

Ginawa namin ang paliwanag ni Josh samin kanina. Nakalabas ang pakpak nila at lumipad kami pataas.

Paglipad namin sa langit ay nag-bigkas ng magic spell si George sabay biglang lumitaw sa harap namin ang isang portal. Pumasok kami dito at bigla na lang kaming nakatapak sa lupa.


Wowwww....

Nasa gubat na kami ngayon na napapalibutan ng maraming bulaklak at matatayog na mga puno. May ilog din sa gilid kaya hindi ko mapigilan ang pag-ngiti. This place is so beautiful.

Walang nagsalita samin at naglakad-lakad pa kami sa gubat. Nung malayo na ang nalalakad namin, may natatanaw kaming isang kastilyo.

"Ateeeeee, Nae-excite ako." excite na bulong sakin ni Jessi nang makita ang kastilyo samantalang ako ay naka nga-nga lang. Sobrang mangha kase ako.

"Diyan sa kastilyo na iyan kayo manunuluyan at ipagpapatuloy ang inyong pag-aaral." Paliwanag samin ni George nung tumigil muna kami sa paglalakad.

Wait......

"So you mean... Err, school yan?" Tanong ko nang nakangiwi at tinuro ang kastilyo.

"Exactly." Sagot ni Josh na ikinalaglag ng panga ko.

"School lang yan!?" 'Di ring makapaniwala na tanong ng kapatid ko. Kase naman palasyo na para samin yun eh!

"Mukha bang CR lang yan para sa'yo?" banat ni Josh na kinailing-iling ng dalawang lalaki. Hindi na namin masagot si Josh dahil sa sobrang mangha naming magkapatid.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad habang nakasunod lang kami ni Jessi sa tatlong lalaki.

Hindi ako makapaniwala na may ganito pa lang lugar sa mundo o marahil ibang mundo na ito.

Maya-maya lang ay narating na namin ang gate ng, ummmm... School daw.

Bigla na lang nagbukas yung gate ng mag-bigkas si George ng poem or spell?? Idunno.

Pagbukas ng gate ay lalo kaming namangha ni Jessi sa ganda nang labas ng kastilyong school na ito.

Hindi ako makapaniwalang dito na kami titira ng kapatid ko.

May fountain sa gitna at nagkalat ang mga estudyanteng nakasuot ng uniporme ng paaralan.

Naka puting long sleeves at skirt na itim na 3 inches above the knee ang mga babae, nakasuot din sila ng itim na hanggang tuhod na medyas at boots.

Sa mga lalaki naman ay long sleeve na puti, necktie na itim at naka-itim na coat sila. Naka-slacks din sila na itim.

May pin din sa kanang dibdib ang mga estudyante at nakalagay dito ang pangalan nila. Sa kaliwa naman nilang dibdib nakalagay ang simbolo ng academy.

"Sure kayong nabibilang kami dito?" Tanong ko habang namamanghang nagpatingin-tingin sa paligid. Hinawakan bigla ni Josh ang balikat ko kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"Sigurado kaming dito kayo nabibilang." Sagot nya at nag-dire-diretso nang lakad para habulin ang mga kasama niyang nangunguna na, napa sunod na lang ulit kami ni Jessi.

Hindi pa namin kabisado ang lugar na ito kaya kailangan talaga namin silang sundan.

Mahirap nang maligaw.

Pumasok kami sa loob ng kastilyo at ang masasabi ko lang ay sobrang magical sa loob nito.

May mga estudyanteng gumagamit ng powers nila katulad na lang ng pagpapalutang, pag kontrol ng tubig, pagpapalabas ng bato sa kamay. May mga estudyante ding naglalaban using their powers. Nag pa-practice siguro sila or nagpapakitang gilas lang.

"May ganyan kaya tayong kakayahan, ate?" Tanong ni Jessi na nasa tabi ko.

'Yun din ang tanong ko.

"Marahil." Nasagot ko lang dahil hindi ako sure kung may ganyan kaming kakayahan or kung nabibilang ba talaga kami dito.

May mga nakita din kaming creatures na bilog at fluffy. May cute silang mga mata at pakpak ng angel. They're so adorable, may lumapit saming isa at ngumiti ito ng malawak samin kaya napa hagikgik kami ni Jessi dahil sa ka-kyutan nito.

Samantalang bigla na lang nagkapakpak si Ferry kaya nagulantang kami ni Jessi at nabitawan nya ito. Agad nakalipad si Ferry at nagpaikot-ikot sa ere saka ito nawala sa paningin namin dahil sa kakapaikot niya sa buong kastilyo.

Gulat man ay naalala kong may kasama nga pala kami at wala na sila ngayon sa paligid namin.

Hala nasaan na sila!?

"Teh parang wala na ata tayong kasama?" Nagtatakang tanong ni Jessi na nagpaikot-ikot na parang may hinahanap.

"Anong parang? Wala na nga tayong kasama!" Sigaw ko sa kanya at napapadyak pa.

Paano pag may bad person ang lumapit sa amin dito? Edi kawawa kami ni Jessi dahil hindi naman namin alam kung anong magic namin.

Bigla namang dumating si Josh na galing sa pagtakbo at humihingal na huminto sa harap namin.

"Bwiset na yan, kanina pa kami naglalakad wala na pala kayo sa likod namin!"

"Hehe... sarreh okay? Sorry na." Sabay peace sign ko at awkward na ngumiti, awkward na ngumiti lang din si Jessi bago kami hinatak ni Josh.

****

First time kong gumawa ng gantong klase ng story kaya pagpasensyahan nyo na.

Yung mga estudyante naman ay gawa gawa ko lang ang mga uniform nila kaya ang weird or common, sarreh na. Hehe...

~sandara

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon