✔ Eighth Chapter

22.2K 441 17
                                    

Let's beat her up and throw her to a cliff.

Let's beat her up and throw her to a cliff.

Let's beat her up and throw her to a cliff.

A-are they crazy? Ta-talaga bang ihuhulog nila ako sa bangin at bubugbogin? Hindi pa ba sapat ang ginawa nila sa'kin noon hanggang ngayon? Mommy, Daddy natatatakot po ako.

"I like that idea mommy, but is it alright if I were the one to beat her up?" rinig kong excited na sinabi ni Violet.

Tumutulo ang mga luha ko sa pisngi ko. Gusto ko man punasan hindi ko kaya dahil nakatali ang mga kamay ko.

Maka-mommy ang bruha akala niya siya ang asawa.

"Of course Violet dear. You're the real wife of my son," sabi ng nanay ni Syl na ikinagulat ko.

R-real wife? Di ba ako ang totoong asawa ni Syl? Di ba ako ang pinakasalan ni Syl noon?

"Aww! Thank you mommy," masaya niyang sinagot.

Ramdam kong nguminig ang katawan ko ng marinig ko ang hakbang nila papunta sa kotse ni Syl. Nang makarating sila kung nasasaan ako, tumigil sila sa paglalakad at binuksan ang back door ng kotse.

Pinikit ko ang mata ko sandali.

"Ang panget!" lait ng nanay ni Syl.

"I know right mommy? Ugh! And we have to share our house with that ugly piece of trash," arteng singit naman ni Violet ulit.

Minulat ko ang mga mata ko. "Anong iniiyak iyak mo dyan?! Sino nagsabing pwede kang umiyak ngayon ha?! Ilabas mo na siya Syl," sigaw na utos ng tatay niya.

Hinawakan ako ni Syl sa braso ko ng mahigpit. Marahas niya akong inilabas sa backseat ng kotse niya. Kahit matamaan ko ang ulo ko sa kotse niya wala siyang pakialam.

Pagkalabas ko, itinulak niya ako sa lupa ng malakas.

"Aray!" ungol ko sa sakit na sinapit ng katawan ko nang bumagsak ako sa lupa.

Dear tulungan mo ako. Nagmaakaawa ako sayo.

Lumapit sa'kin ang nanay ni Syl saka siya lumuhod para hawakan ang pisngi ko ng sobrang higpit. Nakangisi siya ng malapad. May iniisip siyang masamang gagawin sa'kin.

"Look how dreadful you look Mackenzie," sabi niya.

Puno ako ng takot ngayon pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya 'yun. Sila ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko kaya ipaglalaban ko ang sarili ko sa kanila.

"Dreadful? Hindi ba kayo ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon?" galit kong tinanong.

"Heh, what proof could you possibly have?" matapang na tanong ng nanay ni Syl.

"Proof? Bakit? Kailangan pa ba 'yun kung halos buong katawan ko punong-puno ng mga pasa at sugat dahil sa pinaggagawa ng anak niyo—NINYO—sa'kin?!" sagot ko.

Takot ako. Takot na takot pero ayaw ko ng kawawain nila ako ulit.

Malupit niya akong itinayo saka niya ako pinagsasampal. Kita ko ang galit sa mga mata niya habang ako'y nasasaktan sa pinaggagawa niya.

"At sumasagot ka pa ngayon ha! Pasalamat ka nga at hindi ka pa patay ngayon!" pag sasampal pa niyang sinabi.

Pasalamat? Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako kaysa ganituhin ang buhay ko!

Hindi na sampal ang ginagawa niya ngayon sa akin kundi pati rin sambunot. Sobrang hapdi na ng pisngi ko pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Mommy! I want to slap her too!" Violet volunteers making Syl's mom stop from slapping me.

Ex-Wife's RevengeWhere stories live. Discover now