✔ Forty-eighth Chapter

10.5K 211 11
                                    

"Yes. Uh-huh. Be done with it today. Also, be sure that it will be ready for tomorrow night. Okay, thank you. Bye."

I narrowed my eyes. "What was that about?"

"Dear!" Kira gasped. "Kanina ka pa diyan?"

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya at isinara ang pinto. Umupo ako sa kama at tinaasan siya ng kilay. "Not really, pero ano ang tinatago mo sa'kin? Anong meron sa tomorrow night?"

"W-Well, dear kasi sabi ko sayo 'di ba? Let me do my job," she grinned.

"Dear, you know, simula ng dumating ka galing sa gala with your brother lagi kang masaya. Ano ba ang ginawa niyo? Because whatever that was, it's affecting how you are handling your 'job.' You said that I would love and enjoy whatever it is, but I don't even have any idea what it is about. Maririnig ko na lang na may kinakausap ka sa phone."

Lumapad ang ngiti ni Kira at nag-ningning pa ang mga mata.

Oh dear, if I didn't know you any better, I would have thought that you're in love.

Nawala ang pag ngisi ko ng maisip ko 'yun.

Wait, hindi kaya in love si Kira? Kanino? At kailan pa?

"Dear kasi dinala ako ni kuya Sean sa racing-racing ng cars! Alam mo ba 'yun? Grabe, driver pala si kuya dun, as in he's the champion for 4 years in a row, kilalang-kilala siya doon! Tapos, tapos, tinuruan niya ako kung paano magdrive ng ganun! Kyaaa! Ang saya-saya talaga!"

"Dirt-racing? Iyon ata ang tawag 'dun? Oh, tapos?"

"Ayun, kami lang doon ni kuya tapos nagrace kami, natalo ako, syempre!" she proudly said na ikinitawa ko. "After naman nun nilibre niya ako ng turo-turo at isaw! Ang sarap pala nang mga ganun, dear? Then, after we finished eating, we went to this Laser Maxx at naglaro doon! Hahaha, dun ko naman siya natalo! Hahahaha!"

Napangiti ako sa kanyang kwento. "Enjoy pala ang date niyo."

Bigla siyang natigilan. "D-Date? A-Anong date, dear? A-Ano lang naman 'yun eh, ano siya.."

Napakunot-noo ako. Bakit bigla siyang kinabahan? 

"Dear, date niyong magkapatid ang ibig kong sabihin." I explained as I study her. "Are you hiding something, dear?"

"H-Ha?" She gulped. "W-Wala ito dear. Kapag hindi ko na kaya, kapag sasabog na, kapag hindi ko na mapigilan.." She gave me a reassuring but a sad smile. "I'll tell you."

I nodded. "Okay dear. I'm not going to force it out." But I hope my feeling is not right because if it is... "Anyway, so kaya pala siglang-sigla ka sa ginagawa mo dahil sa night-out niyo ni Lance?"

Bumalik ang masayang ngiti niya. "Oo dear. Na-refresh ako kaya ayun, kinabukasan after ng gabing 'yun, kinontak ko na 'yung mga kailangan para sa pinaplano ko para bukas ng gabi."

"Bukas ng gabi? Pwede ko na bang malaman kung ano 'yun? Dahil alam kong what you're planning is something big."

"If you asked me that yesterday, I will not tell you, pero dahil ngayon mo tinanong, of course sasabihin ko na kasi bukas na iyon eh!" She giggled.

"Uh-oh."

She smiled mischievously. "Ready your grandest evening gown. We are going to have a ball tomorrow night!"


-x-


"I must say, your idea is really amazing," I commented while fixing myself inside this red gown.

"Thanks dear!" She replied while doing the same thing. Kira is putting on her gray gown.

Ex-Wife's RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora