Extras: Sian & Stranger

3.1K 52 11
                                    

DEDICATED TO: ALL the readers who are wondering, or asking, about the TRUE love life of Sian Kira Krauss.

IF there's any..

P. S. There would be a scene. . . READ AT YOUR OWN RISK.

P. P. S. Be safe everyone!

-Aks

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mag-iisang taon na din simula ng dumating kami ng aking dear Mackenzie sa America.

The surgery and therapy went well, we both got double-jobs to support ourselves, and now we planned to actually take a whole lot of step further. So, we both decided to live separately for 3 months.

Ito ang way namin para matuto kaming mamuhay mag-isa, tapos after 3 months, magkikita at magsasama ulit kami, tapos after ilang months ulit, separate again. And whatever lesson and knowledge we learn, we would share to each other.

That's why I'm here at France right now.

A totally foreign, scary place. Lalo na ang language. Pero pursigido naman akong matuto kaya kahit papano, I get by daily and learn the language bit by bit.

I'm so proud of myself!

But lately I've been thinking of something so out of my character.

"Giiirll ano ng plano mo?" Isang Pinay na napadpad dito sa France at ngayon ay nagtatrabaho bilang isang Caregiver.

Isang malaking kudos to OFW!

"Ewan ko din, Yas," bumuntong-hininga ako. "I don't know if I should do it or not?"

"Wanna know what I think?" tanong ni Yasmine habang hinihimas ang buhok ko. Medyo matanda siya sa'kin ng mga 5 years. Tawag ko sa kanya noon ay ate pero ayaw daw niya dahil she feels old daw.

"Anything helps, huhuhu!"

"Buang!" Tawa niya. "Pero seryoso, Sian, gawin mo ang talagang gusto mong gawin. Para pagdating ng panahon, hindi mo pagsisisihan na hindi mo ginawa ito. Hindi ka magkakaroon ng mga 'what if' questions dahil nasagot ang tanong mo. At least, masama man ang kalabasan, may natutunan ka namang lesson. At kung maganda naman ang kinalabasan, at least alam mong hindi ka pala mamamatay nang ginawa mo ang gusto mong gawin."

Napakagat-labi ako. "Yas?"

"Hmm? Paano na lang ako pag wala ka na?" Niyakap ko siya. "Wag ka na lang kasing umuwi ng Pinas! Dito ka na lang! Waaah!"

Pinitik niya noo ko. "Buang! Kaya ako nandito ay para maranasan ang buhay ng isang OFW. Sinabi ko na sayo ito noon, di ba? Minaliit ako ng pamilya ko na puro daw ako salita at hindi alam ang sinasabi, na hindi ko daw makakayang mamuhay sa ibang bansa just by myself at magtrabaho dun, kaya ginawa ko ang lahat para makarating dito. Pero tapos na ang contract ko, napatunayan ko na din ang sarili ko sa kanila, kaya kailangan ko ng bumalik."

Bumuntong-hininga ulit ako. "Are we still going to keep in touch?"

"Oo naman! But I would rather have you focus on helping your best friend. Ang chikahan natin ay makakapaghintay."

Alam niya kasi ang storya namin ni dear.

"Okay po... ate! Hihihihi!"

"Buang! O sya, napagpasyahan mo na ba?"

I looked at her eyes and nodded.

"I'll do it. I want to be different for just one night. To be wild and not care about anything."

Ex-Wife's Revengeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن