✔ First Chapter

55.7K 697 21
                                    

This story is NOT edited. Please read at your own risk. Do expect incorrect grammars and run-ons throughout the book. Also, since I (Aks) wrote this to practice my English for personal reasons, it was written more or less 70% in English.

Waley, may mga kamalian, boring at corny (siguro) ang mga nasulat ko dito dahil nagsisimula palang po ako noon na magsulat. Don't expect this to be perfect. 

Thank you.

- Aks

-----------------------------------------------------------------


Nakaupo ako ngayon sa tabi ng bintana while holding a laptop and looking outside. Umuulan, kaya may hot chocolate ako sa may bandang paanan. Tanging maikling short at plain white t-shirt lang ang aking suot.

I touched the window and drew a heart.

"Kung ang pag-ibig niya kasing lakas ng ulan, mararamdaman ko na ba ang pagmamahal na hindi niya pinapakita sa'kin ngayon?" tanong ko sa aking sarili. I wrote his name, 'Syl,' sa bintana pero binura ko kaagad 'yun. "Ha. Sinong niloko ko? Imposibleng mahalin niya ako."

Bumukas ang pintuan at napuno ang bahay ng boses lalake at babae―nagtatawanan silang dalawa. Malapit lang ang pintuan, kaya naman agad ko silang nasilip. Tumigil ang babae sa pagtawa kaya napatigil din siya sa paglalakad. Tumaas ang kilay niya habang naka-akap ang mga kamay sa beywang ng lalake. 

"Babe who is she?" Mataray niyang tanong sa lalake. Walang emosyon ang pinakita niya sa'kin at sumenyas siyang bumalik ako sa ginagawa ko. 

Right. Like you really don't know me.

"She's the new cleaning lady, and is about to leave, right Mackenzie?" He said in a threatening tone. 

I smiled at him and stood up from where I was sitting. "If you wanted to get rid of me, you didn't have to tell her I'm your cleaning lady, Syl." Sinuot ko ang jacket na nasa upuan bago tumungo sa pintuan. 

Tumingala ako sa ulap pagkalabas ko kahit napapatakan na ng ulan aking mga pisngi. I even felt the rain in my hands as I closed my eyes.

Isang patak, isang luha.

Isang buntong hininga, isang pagpapakita ng nasasaktan.

Ganito na lang ba ako palagi? Palaging pinapangarap na mahalin ako ng taong alam kong 'di naman ako mamahalin? 

Siya nga pala si Sylvester Theo Travis. Ang lalaking pinagkakatangahan ko kahit masakit ang mga pinaggagawa niya. Magkasama kami sa iisang bahay at palaging inuuwi si Violet, ang girlfriend niyang malandi. 

Minulat ko ang aking mga mata at nag umpisa ng maglakad sa ulan.

Saan ako pupunta? Hindi ko rin alam, kung saan man ang masaya 'dun na lang ako.

Palagi akong pinapalayas ni Syl sa bahay ng limang oras para lang makagawa sila ng milagro. At ako? Hinihintay silang matapos para makapasok ulit sa loob ng bahay. 

Tumigil ako sa paglalakad ng may makita akong isang cafe shop. Maliit at cute siya na may sign na "Love Cafe" sa harapan ng pintuan nila. Lumibot-libot ang mga mata ko sa shop nang matigil 'to sa board sign nila. Lumapit ako 'dun. 


>IMMEDIATE HIRING: NEW WAITRESS! WITH OR WITHOUT EXPERIENCE IS ACCEPTABLE. MUST BE AT LEAST 22 YEARS OLD, HAS A PLEASING APPEARANCE, AND GREAT COMMUNICATION SKILLS TO APPLY.<

Ex-Wife's RevengeWhere stories live. Discover now