Ang Unang Ingkwentro End

Start from the beginning
                                    

Kahit hindi na maayos ang kanyang lipad sa ere ay pinipilit niya pa din hanapin ang nawawalang lalaki sa malawak na kagubatan.

"na saan kana,...magpakita kana, nag aalala na ako.."

Habang nasa ere ay muling tumunog ang kanyang cellphone, dali dali siyang bumaba sa lupa at nag anyong tao.

Pagkatapak niya sa lupa ay hindi niya nakontrol ang kanyang balanse at bumagsak siya sa katabing putikan.

Wala siyang lakas para magreklamo at daan dahan na lang niya inayos ang pagkaka upo sa lupa at sinagot ang tumatawag na si elena gamit ang kanyang cellphone na basa sa putik.

* oh, kamusta na maia*

* w...wala pa din..*
Hingal na nagsalita si maia.

*maia mainam muna na bumalik ka muna dito, malamang pagod na pagod kana*

*pero...*

* maia, inuutusan kita na bumalik dito*

Walang nagawa si maia kundi sumunod na lamang sa sinabi ni elena, napag isip isip niya na mas maganda kung babalik muna siya at pag iisipan ang lahat.

Muling lumipad sa ere si maia para bumalik sa kanilang base.

Ang masayang kagubatan ay nag misulang malungkot na kawalan.

Hindi nagawang liwanagan ng maliwanag na buwan ang madilim na pangyayari sa lugar.

Ang dating nayon na maraming nilalang ay nawala na, ang mga nilalang dito ay nagsilikas muna, tanging sina elena , maia at ang dalawang magkakambal nalang ang kasalukuyang nasa lugar.

Matapos makabalik ni maia sa base ay kina usap agad siya ni elena, pinaliwanag ni elena ang lahat ng nangyari noong abala si maia sa kanyang misyon.

Napagkasunduan nila na pag isipan muna ang gagawing paghahanap sa nawawala pang si jonathan, dahil gabi na nung mga oras na iyon at tanging ang inang buwan nalang ang nagsisilbing liwanag sa kanila ay napagpasyahan nalang nilang ipagpabukas ang paghahanap kahit labag sa kanilang kalooban.

"saan na sila,."
tahimik na wika ni maia habang nagpapahingang naka upo sa kahoy na sahig ng sina unang bahay na kanilang nagsilbing base.

"Papunta sila sa kaharian ng papa ko, ang mahal na hari,.. panandalian ko muna sila pinatuloy doon dala ang liham ng permiso na aking sulat kamay"
wika ni elena habang nakatayo sa ilalim ng buwan di malayo sa kanyang mga kasama.

"e..yung mga mangangaso,.."
muling tanong ni maia.

"may nahuli tayong dalawa, ang isa ay yung nakalaban mo kanina at ang isa naman ay natagpuan nalang namin na walang malay, wala din kamay"

Napa tingin si maia kay elena sa kanyang narinig.

" walang kamay?"

"oo, hindi ko alam kung kagagawan ito ng aking mga tagasunod o, ibang grupo"

" anong ibig mo sabihing ibang grupo?, wag mong sabihing-."

" oo maia, malamang hindi lang mangangaso ang Nakapasok sa loob, malamang may ikatlong partido pa, besides.."
huminto sa pagsasalita si elena at may ipinakita siya kay maia.

Ang kwintas ng namatay na mangangaso na may simbolong ranko ng mataas na katayuan.

Nanlaki ang mata ni maia sa kanyang nakita. agad siya tumayo at nilapitan si elena sabay suri sa kwintas

"hindi ko alam kung sino may gawa ngunit isa lang masasabi ko, may nanunuod sa bawat galaw natin..bumubula ang bunganga ng nagmamay ari niyan at wala ng buhay ng aking matagpuan"

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now