Case 047: Drug Raid 👮

Magsimula sa umpisa
                                    

"Five?" alanganing sagot ng lalaki.

Umiling ang guard.

"Pero 'di ba po five ang sagot?"

Nakipagkulitan pa ang lalaki sa guard na tama ang sagot niya pero hindi ito pinayangang makapasok ng guard.

"Bakit mali siya?" napakunot noo si Von at nag-isip.

"He should have said three because it's not about the half of the number but how many letters the number had," sagot ni Matt sa nagtatakang si Von.

Twelse has six letters, six has three and nine has four. Twelve has six sadyang kalahati lang ng twelve ang six and three naman ang six kaya nalito si Von.

"Ten?" dahil mali ang isang lalaki ay iyon ulit ang tinanong ng guard.

"Three po Sir," very proud na sagot ni Von at ngumiti sa guard.

"Pasok na."

"Seven?" tanong nito kay Khalel

"Five," sagot ni Khalel and the guard let him in.

Now it's his turn. He heaved a sigh bago tuluyang lumapit sa guard. Alam naman niya ang sagot pero hindi niya maiwasang kabahan.

"Two?" tanong ng guard.

He cleared his throat before answering. "Three."

Tumango ang guard kaya humakbang na siya para pumasok pero hinarang siya nito. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Nakahalata kaya ito?

"Patingin ng ID?" sabi nito. Mukhang nakakahalata yata ito. But he's ready for this. Alejandro gave him a fake ID just in case na hanapan sila.

Kinuha niya sa bulsa ang kanyang wallet, nilabas ang ID at inabot sa guard.

Matthew Sandoval
Factory worker SMI

Tumango-tango ang guard "Sa tindig at kilos mo kasi akala ko isa kang pulis."

"Ah...hindi po," nakangiting sagot niya.

"Sige pasok na."

Nakahinga siya nang maluwang at pumasok na. Bakit kaya ang dalawang kasama niya ay 'di napaghinalaan? Is he have a screaming authority? Naitanong niya sa sarili.

Lumibot ang tingin niya sa buong palagid. People are drinking and smoking. Ang ilan pa sa mga ito ay parang high na high na. Their eyes are reddish and they can't stand or sit straight.

The waiter served food in the next table. Tiningnan ni Matt ang pagkain sa mesa. There's nothing suspicious in it. Magaling talagang magtago ang mga ito.

Pinagmasdan niya ang mga kumakain at tila aliw na aliw sa pagkain. Karamihan sa mga tao roon ay lalaki.

Mayamaya pa ay namatay ang ilaw sa buong paligid ito ang hudyat na hinihintay nila. Mabilis ang kilos nilang naglagay ng camera sa bawat sulok, sa mga lugar kung saan hindi ito agad mapapansin.

"Ay naku! Ngayon pa nag-brownout!" reklamo ng mga customer. Tumanaw sa labas ang guard pero maging ang mga kabahayan doon ay wala ring ilaw.

"Chief were done!" bulong niya sa kabilang linya. May suot siyang communication device kaya nakakausap niya ang Chief nila. Ang may gawa kung bakit nawalan ng kuryente sa buong lugar.

"May power interruption yata," sabi ng guard natapos sumilip sa labas. "Maghintay lang po tayo saglit at babalik din naman yan. At 'wag kayong mag-alala dahil may nakahanda tayong generator para sa mga ganitong aberya."

Pero hindi na nagawa ng guard ang sinasabi nito ng bumalik na ang kuryente.

"Hay sa wakas."

The people sigh in reliefs when the whole room light up again .

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon