Nung bata ako?..

Kailan ba?.

Teka.

teka?.

Anong?.

..hindi ko gaano maalala ang aking kabataan ah.

Ako si jonathan...tubong norte ngunit lumaki sa ibang lugar, highschool student.

tapos...

ta..tapos?.

Tila ba blanko ang aking isipan nung mga oras na yun.

Tumaas ang aking mga balahibo at napa isip ako.

Sino ba si jonathan?.

Nanlaki ang aking mga mata at natulala habang hinahanap ko ang kasagutan sa aking tanong.

Jonathan.

Ako yun diba?.

Jonathan?.

" anong ginagawa mo?, naliligaw ka ba koya?"

Habang nakatalikod ay may biglang kumalabit sa aking likoran na agad ko namang ikinagulat.

" Gha!"

"Kyaaa~"

agad ako tumalikod para makita ang kumalabit sa akin na nagulat rin sa aking ikinilos.

"ha?"

ngunit hindi lang iyon ang nakakagulat dahil mas lalo ako nagulat ng malaman ko ang pagkakakilanlan ng kumalabit sa akin.

isang babae.

ang babae sa batis nung last time.

Nawala sa aking isipan ang aking kasalukuyang iniisip.

nagkatitigan kami mata sa mata, siya ang unang kumalas at bigla siya tumalikod at maglalakad na sana siya paalis ngunit agad ko hinawakan ang kanyang kaliwang kamay.

gaaa!!!! anong ginagawa ko!.

puberty ba eto!, puberty ba eto! bakit ko siya hinawakan!!.

Nagulat siya sa aking ginawa at agad na napalingon sa akin, nakita ko ang kanyang mukha, mukha ng isang babaeng nahihiya, mamula mula ang kanyang mukha at tila ba hindi mapakali.

A...ang cute niyA!.

"b..bitawan mo a..ako please"
wika niya sa akin.

Ah..ah!.

Agad ako bumitaw matapos malaman na nakahawak pa ang aking kamay sa kanyang kamay na parang naka glue.

Muli siyang tumalikod at maglalakad na sana ng muli ko siyang pigilan.

" teka wag ka muna aalis!, gusto kita maka usap!"

Arrrreagh!, ano pinagsasabi ko!.

Dahan dahan uli siya humarap sa akin.

"a...ano yun?"
nahihiya niyang wika.

"Ah...Eh..Umhh...y..yung nangyari sa batis last time.."
wika ko ng may nauutal na pananalita.

Anong nangyari!, may nangyari ba !, anong pinagsasabi ko.

"sa batis?....kalimutan mo n.na yun.."
nahihiya niyang wika.

Dahan dahan niya inangat ang kanyang ulo para tumingin siya sa akin ngunit ako naman din ang tumagilid ng siya ay mapatingin na.

Awkward anong development ito! ano to romcom?, romcom ba eto?, ang alam ko eh action horror eto eh!.

at teka!, bakit siya nandito!.

" Ako nga pala si jonathan,..ano pangalan mo?"

Ahhhh!, Since when did ako naging ganito ka agresibo!.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now