Special Chapter

330 20 6
                                    

                   RHYS CALI FRAZER

9 years later

"Kuya, anong gagawin ko? Kinakabahan ako," mas okay pa palang hindi nagmature si Chance, kung kailan naman tumanda saka naging duwag ang isang 'to.

"Bakit ka kakabahan? Araw mo 'to, umayos ka, para kang bakla diyan," salita ko at inayos ng bahagya ang bulaklak na nakasabit sa bulsa ng suit niya.

"Nakaka-kaba pala 'no?" tanong niya ulit, butil butil ang pawis niya kahit malamig sa loob ng sasakyan.

"Ang bakla mo, letse ka," salita ni Shaun na siyang nasa driver's seat.

"Manahimik ka, mag-drive ka ng maayos baka mabangga pa tayo, mapapatay talaga kita," kahit natatakot ay nagawa pa ni Chance na manakot.

Hindi naman nagsalita si Shaun at tinuloy ang pagmamaneho. Bukod sa importanteng araw ito para kay Chance ay baka bigla siyang mawala sa entourage nang wala sa oras.

Pagdating sa pupuntahan namin ay mabilis na sumalubong sila Storm, suot ang akmang kulay ng suit na si Chance mismo ang pumili, kulay abo, na ayon sa kanya ay paborito niyang kulay.

"Hell Chance, congratulations," kamay ni Ash kay Chance pagkababa ng sasakyan.

"Uh, thanks, yung regalo ah," kahit kabado ay hindi niya parin nakalimutan yung regalo.

"Nasa inyo na, kanina pa," sagot naman ni Ash.

Ilang saglit pa ay may lumapit na babae sa puwesto namin at mabilis na binigyan ng sapak sa sikmura si Chance. Hindi na kami nagulat, laging ganyan ang batian nila.

"Congratulations, Chance," bati ni A at nakangiwi naman si Chance sa sakit.

"Bullshit," sagot niya.

"Uh-oh, don't say bad words, nasa simbahan ka," nang-aasar pa na sabi nito at lumayas.

"Ugh, can you please remind me bakit pumayag akong kasama siya sa entourage ng kasal ko?" tanong ni Chance habang hawak ang sikmura.

"Kase, inutangan mo siya?" patanong pero sigurado kong sagot.

Umayos ng tayo si Chance, tila naalala ang laki ng halagang nautang niya rito. "Yeah, right," napatawa nalang kami.

"Hi Chance, congratulations," biglang dumating sila Audie, kasama ang asawa ko at isa sa kambal na anak ko.

"Thank you Audie," namimilipit parin na sabi ni Chance.

Yeah. Kambal ang unang naging anak namin ni Summer at ngayon ay kasalukuyang buntis ulit siya. Mabilis na lumapit sa akin ang isa sa kambal, (at malamang dala dala ni Daddy ang isa), gayundin si Summer, siya ding paglapit ni Kade kasama ang mag iina niya, gayundin si Andreau na kaka-kasal lang halos last month at buntis ngayon ang asawa, (na kaklase namin nung college din, na ngayon ay isang reporter) at si Draco na ikakasal naman next year, hindi niya kasama ang fiancé niya dahil nasa paris ito ngayon para sa isang photoshoot ng brand na Rhys Clothing Co., isang model ng fashion magazine ang napangasawa ni Draco, (model galing sa kumpanya namin).

"Hindi mo ba napapansin Storm? Ikaw nalang ang walang asawa, kung ako sayo patulan mo na si Audie," pagbibiro ni Ash, habang akbay ang girlfriend niyang si Mari, na kasalukuyang nagtetake up ng masteral sa pagiging doktor.

"There's Shaun, and then there's Yhno and Hymn and Jett lima pa kaming walang asawa, at kung si Audie lang naman ang papatulan ko, I'd rather die single than to marry her," nakapamulsang sabi niya at umusok na naman ang ilong ni Audie.

"Same to you, as if naman na gusto kita mapangasawa," sita ni Audie at sa inis ay naunang pumasok sa simbahan.

"Pakipot pa," habol na sabi ni Storm.

"Bakit ganyan yang girlfriend mo? Hindi naman kayo break 'di ba? Bakit kung maka-arte akala mo naghiwalay na kayo?" saad naman ni Yhno.

"Ewan ko diyan, maarte, nakakabwisit," sagot naman ni Storm.

"Sukang suka kayo sa isa't isa para kayong hindi mag-girlfriend at mag-boyfriend, ang ba-baduy," sabi naman ni Hymn at napatawa kami, kahit si Storm.

Muntik ko na makalimutan, sila Audie at Storm na nga pala. Tatlong taon na yata sila, hindi ko alam kung tama ang bilang ko, pero laging ganito ang set-up nilang dalawa, mga isip bata. Naging sila nung nag-college kami, at hindi rin namin alam kung paano naging sila, basta isang araw nahuli ko sila, magkatabi at parehas walang saplot sa condo na tinutuluyan namin nila Storm nung college kami.

Napapailing nalang ako kapag naaalala ko.

"Uh, nagpapahinga lang kami," yun ang sinabi ni Storm nang mahuli ko sila.

"Nang walang damit?" ako naman si tanga nagtanong pa kahit nakita ko na.

"Uh, mainit kase?" walang kwentang dahilan ni Storm.

"Aircon? 18°?" nakuha ko pang sumagot at intinuro ang aircon.

"Uh? Hindi ko ramdam?" sagot muli ni Storm at mas itinakip ang kumot na gamit nila ni Audie

For the record, kumot ko pa ang gamit nila. Ugh. Napapa-face palm nalang talaga ako kapag naaalala ko.

At sa pagkakatanda ko, tutol si Tito Rage sa relasyon nila, hindi dahil ayaw niya kay Storm kundi dahil ayaw niya maging balae si Tita Skye, payag daw siya kung sa kanya titira sila Audie at Storm kapag nagka-apo na dahil baka kung ano daw ang ituro ni Tita Skye, alam kong biro lang naman iyon. Minsan ay di rin maiwasan ang pagiging isip bata nila at sa nakikita ko ngayon ay imposible pa yata na magka-apo sila sa inaasal ng dalawa.

Samantalang sila Hymn at Jett naman ay kaka-break lang sa mga girlfriend nila, hindi ko alam bakit sabay, nagkagustuhan na yata sila at napagpasyahan na sila nalang ang magkaroon ng relasyon, ugh, kadiri. Nang tanungin ko kung bakit ay confidential daw, si Shaun ay may nililigawan at ang alam ko lang, sadista daw ang babae, si Yhno naman ay hindi ko alam dahil iba ibang babae ang kasama niya, sumapi yata ang kabataan ni Tito Shadow sa kanya.

"Chance, tara na sa loob," biglang tawag ni Daddy, kakalabas lang ng simbahan, bitbit ang apo niya, isa sa mga kambal.

"Dadddy---," biglang nagpupumiglas ang anak ko at kumawala sa lolo niya, tumakbo papunta sa akin.

Nakitaan ko agad ang pagkalungkot sa mukha ni Daddy, nakakatawa siya.

"Bakit kahit ako ang nag-aalaga sa kanya ay sayo parin siya nahabol?" paiyak-iyak pang sabi ni Daddy, kunwari.

"Ang arte mo talaga Nalu," saka ko lang napansin si Tito Viahm na nakasunod na pala kasama ang iba.

"Palibhasa, wala pa kayong apo, malalaman niyo din yan," sambit ulit ni Daddy.

"Hindi kami magiging baliw na grand parents katulad mo," sabi naman ni Tito Shadow.

"Tara na nga sa loob," hindi na nakasagot si Daddy dahil totoo yun, masyado siyang obsess sa mga apo niya. Kulang nalang ay kidnapin niya at ilayo sa amin ni Summer.

Sumunod na sila kila Daddy at naiwan kami ni Chance sa likuran.

"Congrats bro, ikakasal ka na," ngayon ko lang naalalang mag-congrats.

"Thanks," sagot niya, kabado pa rin.

Tinapik ko lang siya sa braso at pumasok sa simbahan, pumunta na kami sa unahan at doon naghintay ng pagdating ng bride, hindi mapakali si Chance, kabado at naiiyak, hindi ko siya masisi dahil ganito rin ang nangyari sa akin nang ikasal kami ni Rheiko last last year, muntik pa akong mapaihi sa pantalon ko.

Hanggang sa dumating ang oras ng pagsisimula, sobrang saya ni Chance at nakikita ko yun sa mga mata niya.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan.

Yung kakaibang ngiti niya na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko, yung sobrang saya na para bang wala ng bukas.

And that was the last time, I saw his smile, and even his simple smile, didn't show up again or after and I don't know if... if it'll return again.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now