Chapter 39 : Sudden Confession

324 24 7
                                    

                       Chapter 39

AVIAH RHEIKO SUMMER

Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang sinabi ni Cali. Ilang araw na ang lumipas ngunit yun at yun parin ang pumapasok sa isip ko. Gusto ko siyang sundin, pero paano si Kade? Paano nalang siya kung pati akong nag-iisang kakampi niya ay tatalikuran siya?

Pero sa kabilang banda ng pag-iisip ko ay naroon din si Cali. I felt betraying him when I'm thinking of Kade lalo na't ayaw na ayaw niyang malalaman na pumupunta ako kila Kade o kahit isipin man lang si Kade.  Hindi ko na alam ang gagawin ko, mababaliw na yata ako kaka-isip.

"Summer? Nakikinig ka ba?"

"Huh? Ah- ano nga yung sinasabi mo?"

Napasimangot si Cali sa tinuran ko. Sa totoo lang ay kanina pa talaga lumilipad ang utak ko sa mga naiisip ko. Kasalukuyang nasa bahay nila kami ngayon, ilang araw nalang at semestral break na, hindi ko narin madalas makikita si Cali sa loob ng dalawang linggo kaya naman kung wala siya sa amin, ako ang nasa kanila.

"Sabi ko araw araw akong pupunta sa inyo kapag sem-break na," mali pala ang naisip kong hindi ko siya makikita.

"Ah, sure, walang problema Cali," nginitian ko siya.

"May iniisip ka ba? Kanina ka pa kase tulala."

Umiling ako. "Wala, ano namang iisipin ko?"

"Si Kade," mabilis niyang tugon na nakapag-patigil sa akin.

Napaiwas ako ng tingin. "Bakit ko naman iisipin si Kade?"

"Because you care about him, okay lang naman na isipin mo siya Summer pero wag naman sanang kahit kasama ako," muli akong napatingin sa kanya nang marinig ang tinuran niya.

Para siyang bata na inagawan ng laruan, nakayuko siya ngayon at halata ang pagtatampo. Gusto kong mapatawa, pero parang seryoso ang mukha niya.

"Cali, I'm sory," napatingin siya sa akin.

"Sorry for what?"

"Sorry kung iniisip ko si Kade kahit magkasama tayo."

Napasimangot siya lalo sa sinabi ko. "Aish! Sabi ko na nga ba, iniisip mo siya, akala ko pa naman sasabihin mong hindi, nakakapagselos na talaga Summer," nagdabog siya na parang bata, kinuha ang chips na nasa lamesa at kinain iyon.

"Para ka namang hindi nagseselos sa lagay mong yan," biniro ko siya, mawala man lang ang pagtatampo.

"Nagseselos nga ako sabi!" inirapn niya ako, kaya napatawa ako ng mahina.

"Okay, edi nagseselos ka."

"Kailan mo ba kase ako sasagutin?" muntik akong mapa-ubo sa tanong niya.

Oo nga pala nanliligaw siya, sa halos araw araw na pagsasama namin ay nakalimutan ko na. Pakiramdam ko kase ay kumikilos siya na parang kami na.

"Ano Summer?"

"Ah, hindi ko alam Cali."

"Ano? Ibig sabihin hindi mo pa alam kung sasagutin mo ako o hindi? Wala ba akong pag-asa sayo?" bakit ba ang kulit niya ngayong araw na ito.

"Hindi naman sa ganun, pero kase-"

"Eh 'di sagutin mo na ako ngayon," napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What?"

"Sagutin mo na ako, gusto kong manggaling sayo  na sakin ka na, gusto ko maging girlfriend na kita," napalunok ako sa narinig, parang hindi si Cali ang kaharap ko. May epekto rin pala ang pagseselos na sinasabi niya.

Of The Shattered CompassDonde viven las historias. Descúbrelo ahora