Chapter 14 : First Attack

467 32 6
                                    

Chapter 14

AUDIE ZEGERS


Sports fest just started. This is the most boring part of the year, while all the sporty guy and girls are enjoying on their sacred game, here I am goofing out of the wide field. Damnit ! Bakit ba kase wala akong sports ? Di sana nag-eenjoy rin ako ngayon. While walking around the field, I bumped Rheiko who's definitely not in her mind right now, para siyang ewan ngayon, linga ng linga sa paligid na hindi ko alam kung may hinahanap o may pinagtataguan.


"Ano ka ba talaga Rheiko ? Bakit hindi ka mapakali diyan ?" naglalakad na kami papunta sa gym ngayon para manood ng basketball boys pero hindi parin siya mapakali.


"Tinataguan ko si Cali."


"Huh ? Bakit ?"

"Basta ! Tara na." hinila na niya ako kaya hindi na ako nakapalag.

Playing hide and seek huh ? Ano na nga ba ang namamagitan sa kanila ? Balita ko ay araw araw silang magkasama at ayaw siyang layuan ni Cali, yun ang nalaman ko kay Chance. Kung ako ang tatanungin ay mas mabuti na yun kesa naman kay Kuya na lagi siyang sinasaktan. Mabait na tao si Rheiko at wala kang magiging dahilan para saktan siya, ako man na bestfriend niya ay naiinis sa sarili kong Kuya dahil sa ginagawa niya. Nabalitaan ko rin na nakita ni Rheiko si Kuya kahapon kasama si Precilla, I really don't know what's the real score between Precilla and Kuya Kade but I admit, I don't like Precilla. Hindi dahil sa gusto ko si Rheiko para sa kanya, I just don't like her attitude, her brat self, her gestures, her way of approaching Kuya, I didn't like her that's it. Yeah she's pretty but kinda annoying too. She wants all the girls bowed before him like she's the queen of all, just what the hell is that. Kung sabagay, sa ganoong pagkakataon ay bagay talaga sila ni Kuya, parehas mapagmataas kahit hindi nila alam kung saan sila pupulutin pagdating ng araw, tss. Mga hindi nag-iisip.

Nakalimutan ata nila na bilog ang mundo, konting ikot lang ay pwede silang bumaba at tumaas ang mga inaapakan nila. Ngayon nga'y nagtanong rin si Rheiko sa nakita niya kahapon kaya minabuti kong sabihin ang totoo, na hindi ko alam ang namamagitan sa kanila, kung sila ba o hindi pero mukhang nag-gagamitan lang naman silang dalawa para manatili sa pinakataas. Sinabi ko narin na wag na siyang umasa kay Kuya, masakit marinig na mula sa akin nanggaling yun pero mas nakakabuti yun. At sa tingin ko naman ay mas mabilis siyang makakalimot ngayon sa tulong ni Cali.

Pagdating namin sa court ay simula na, it's already second quarter. West vs. South, wala naman akong kilala sa mga naglalaro kundi sila Draco at Jett sa South at si Ash sa West, hindi ko alam kung saan ako mag-chicheer kaya naman mananahimik nalang ako. Umupo kami sa tabi ni Andreau ngayon, kasama niya si Yhno at si Chance na may malaking itim na kulay at pabilog na hugis sa kanyang mata. Sino naman kaya ang kumawawa sa lalaking to' ?

"Hi girls !" kumaway pa si Chance sa amin na akala mo ay hindi nakakatawa ang itsura niya.

"Congratulations Chance. You've got the pretty mark huh ?" bati ko sa pasa niya sa mata.

"Tss, sa lahat ng papansinin yun pa." simangot niya naman. ".. may dala kayong pagkain ?" dagdag niya.

"Bakit ? Nasa sinehan ba tayo ?" taas kilay kong tanong.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now