Chapter 4 : He Who Stole The Crown

658 39 7
                                    

Chapter 4

ANDREU KEAST


May bagong salta sa Kristoff Academy, nakakamangha lang talaga ang ginawa niya kanina, wala siyang suot na kurbata kaya't hindi ko agad nalaman kung saang dormitoryo siya at base sa narinig ko ay isa siyang westerner. So, new westerner was born, another fighter, another war seeker, another combat is waiting on the line. Sa ginawa niya kay Ash, malamang ay ilang araw o maaring oras lang ang bibilangin may magaganap na namang gulo sa Kristoff. Knowing that Ash Hayes, he really can't surpassed that shameful event, his ego is probably yelling like hell right now, aside from Storm he is the best person to describe what really the westerner is. Malayong malayo siya sa ugali ni Tito Shadow, sobrang layo talaga. Kapag nalaman pa ni Kade ang nangyaring ito ay mas gugulo, marahil ay mag-iisip na yon ng paraan kung paano mapaparusahan ang pinsan niyang si Ash, dahil doon siya natutuwa, ang parusahan ang taong nakapaligid sa kanya. They are similar though, it's not the whole piece but they have an equal abnormal personality.

"May napansin ka ba sa babaeng yun ?" tanong ni Yhno sa tabi ko habang kagat ang mansanas niya.

"Wala, ano namang mapapansin ko sa kanya ?" sagot ko nalang at ipanagpatuloy ang aking pagbabasa, maaaring nakakagulat ang babaeng yon sa ginawa niya kanina pero mukhang puro gulo lang din ang baon niya sa pagpasok dito.

Nandito parin kami sa gym at hindi alintana ang nangyari, kung tutuusin ay wala naman kaming paki-alam doon. They are westerner, they live to seek for fight and that's what they are yearning for their everyday lives, hindi narin nakakapagtaka na kahit sila sila ay nag-aaway na.

"She looks familiar and the black jacket too." napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya.


"Without the name imprinted RC-Frazer, that jacket is just like the other clothes too." sagot ko.

"That's right, she's wearing Cali's jacket, what do you think ? Did they know each other ?" bakas sa mukha niya ang pagkasabik, kung hindi lang sa mansanas ay hindi ko iisipin na anak siya ni Tito Yandel, nakuha niya ang ugali niya kay Tita Micah, masyadong masayahin pero minsan ay may kademonyohan din.

"Paano naman nila makikilala ang isa't isa ? Isa pa marami ang naglipanang ganoong jacket sa mundo no." iling kong sabi at sumandal sa kasunod na baitang sa likod ko.

"Na may naka-tatak na RC-Frazer ? Come on, you know that RC- Frazer stands for Rhys Cali Frazer right ? Baka totoo nga ang bali-balita." ngayon ay mas lumala ang pagkasabik niya.

"No, that's impossible Yhno, Cali's not here and he wouldn't want to come back here."

"But I saw Hymn with my two naked eyes." nilingon ko siya ng biglaan, nakita ko naman na nagsasabi siya ng totoo base sa kanyang mga mata.

Kung gayon, nandito na nga talaga si Hymn pero imposible na pati si Cali ay kasama.

Ibinalik ko ang tingin sa libro. "It's just Hymn you saw, it's not Cali. You know what I mean Yhno, Cali wouldn't come back here again, because if that's true, then..."

"There's a huge war coming, struggling for the possession for top spot is about to happen right ?"

"Yeah right, and Kade will do everything to protect the spot, even if it's out of the box." sagad sa pagnanasa at pagkahigpit si Kade pagdating sa top spot, hindi siya papayag na maagaw yun ng iba, ang minsanang pagka-agaw noon sa kanya dati ay nagsilbing dahilan kung bakit lalo siya naging masama.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now