Chapter 26 : Permission

354 26 20
                                    

Chapter 26

Dedicated to : NorvicAnnVillaester

RHYS CHANCE FRAZER

Magsisimula na naman ang buwanang eksaminasyon kaya't heto at naghahanda ang iba, habang ako ay pagala-gala at naghahanap ng mahihiraman. Tsk, bakit ba kase sila nagpapakahirap sa exam na yan para lang maging top sa school na ito, mga walang pag-asa, hindi naman sila mamamatay kapag hindi sila naging top. Mas mabuti pang kumain at matulog kesa mag-aral.

"Ikaw na naman?" isang babae ang humarang sa daan ko at pinameywangan ako. Dinaig niya pa si Mommy.

"Inaano kita?" bakit ba lage kaming pinagtatagpo nito, ngayon ay maghahanap na naman ako ng paraan para lang maiwasan siya.

"Hindi pa ko nakakaganti ng tuluyan sayo hah," grabe, hindi pa ba ganti ang mga ginagawa niyang pag-papahirap sa tuwing magkikita kami.

"Problema mo na yun, kbye," lalampasan ko na sana siya pero hinila niya ako sa pamamagitan ng paghila sa tenga.

"Ah--ah--aww-- Aray ! Ano ba bitawan mo nga ako," pinagpapalo ko ang kamay niya pero hindi siya natinag.

"Bibitawan ko lang 'to kapag sinabi mong gagawin mo ang ipapagawa ko," at ano namang naisip ng babaeng 'to.

Dahil wala ng choice. "Oo na, oo na-- aray! Bitawan mo na ko."

Binitawan niya ako sa wakas. "Good," nakangiti niyang sabi, marunong pala siya 'nun tss.

"Ano bang ipapagawa mo?" tanong ko habang hawak ang paniguradong namumulang tenga.

"Uhum---" tumikhim pa siya at inikutan ako saka tumigil sa likod ko.

"May ipapakuha ako sayo."

Tumalikod ako para makaharap siya. "Bakit hindi ikaw ang kumuha ?"

"Aish ! Gagawin mo ba o hindi?" sigaw niya.

"Ano namang makukuha ko diyan kapag ginawa ko yan ?"

"Hindi na kita guguluhin, hindi na kita sasaktan kapag nagkikita tayo."

Saglit akong napa-isip, maganda rin ang naisip niya dahil mawawala na ang peste sa buhay ko.

"Ano bang ipapakuha mo?"

Hindi siya makasagot at ibinulong sa akin ang gusto. Napatingin nalang ako sa kanya nang malaman ang sasabihin niya.

"Bakit? Ipapakulam mo ba si Storm?" natanong ko bigla at sumimangot siya.

"Basta, kumuha ka nalang ng kahit ano ang dami mo namang tanong diyan."

"Okay," sabi ko nalang pero napahinto ulit ako at pumihit patingin sa kanya.

"May gusto ka ba kay Storm?" ewan ko saan ko nakuha ang salitang yun.

Hindi siya nakasalita, bigla siyang namula at parang nakakita ng multo. Tss, sobrang gwapo ko na ba para magkaganyan siya?

"May gusto ka kay Storm 'no?" patuloy kong tanong pero hindi siya natinag.

"You're blocking my way kid," rinig ko mula sa likod. Pagtingin ko ay si Storm yun kasunod si Ash.

Gumilid ako ng bahagya at dumaan sila na parang hari ng kalsada. Nakita ko kung paano sundan ni A si Storm ng nakakadiring tingin. Kumpirmado.

"Gusto mo ba kainin si Storm?"

"What ?" gulat na gulat niyang tanong. "Aish ! Basta gawin mo pinapagawa ko," salita niya at iniwan ako sa daan.

Sa lahat ng magugustuhan niya bakit si Storm pa? Sa bagay, parehas lang naman sila mapanakit bagay din sila kung mangyari man. Pero imposible dahil wala namang interes si Storm sa babae, minsan nga naisip ko baka bakla siya tsk. Magawa na nga ang pinapagawa niya para mabilis na siyang mawala sa landas ko.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now