Chapter 10 : The Easterner

461 34 5
                                    

Chapter 10

RHYS CALI FRAZER

"Ano ba yun Dad ? Bakit kailangang mag suggest ka pa ng ganun ?"

Kakamot kamot ako ng ulo ko habang naglalakad ako kasama si Daddy palabas ng Kristoff. Bakit ba sa lahat ng isa-suggest niya ay yun pa, masyadong O.A. Hindi ko alam kung nagtrip lang siya o sadyang wala siyang masabi. Minsan ay hindi ko din malaman ang takbo ng utak ng tatay ko, minsan nakakatuwa ang mga suhestiyon niya pero madalas ay hindi.

"Kunyari ka pa ! Ayaw mo nun ? May makakasama kang babae sa iisang bubong, pwede mo ng gawin ang mga bagay na dati mo pang gustong magawa." awtomatiko akong napahinto sa sinabi niya.

"Huh ?" salubong ang kilay kong tanong sa kanya. Correct me if I'm wrong pero mukhang iba ang intindi ko sa sinabi niya.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang siya at inakbayan ako saka hinila para maipagpatuloy ang paglalakad namin.

"Nasaan ba si Mommy ?" tanong ko nalang para maiba ang usapan.

"Wag mo na hanapin ang wala, buti na hindi sumama yun bubungangaan lang kayo nun."

"Eh si Lili ? Sino ang kasama sa bahay ?"

"Kasama ko si Lili."

"Nasaan ?"

"Nasa bulsa ko."

Napasimangot na naman ako sa sinabi niya. Kung hindi ko lang siya tatay ay baka isipin kong kaibigan ko lang siya at nasaktan ko na talaga siya. Ano ba ang kasalanan ko sa diyos at binigyan ako ng napakalokong tatay hays !

Napatawa siya ng bahagya. "Biro lang, si Lili at Mommy mo magkasama, ayun pumunta sa mall kaya wag ka ng magtanong diyan pwede ? Kaunti nalang talaga ay pwede na tayong magpalit eh. Ikaw ang tatay at ako ang anak."

"Sana nga ganun na lang." sabi ko naman.

"Hoy ! Magpasalamat ka nga at ginawa pa kita at hindi kita ipinutok sa kumot diyan." grabe talaga siya.

"Saan ba kayo pupunta pagkatapos nito ?" tanong ko nalang.

"Kila Viahm, may kaunting salo salo lang at ..." napatingin siya sa akin bago magsalita. "..may hihiramin lang ako kay Viahm." ngisi niya saka tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin.

Napatawa nalang ako at napa-iling. Doon ko lang naman napapatunayan na tatay ko siya, dahil sa kanya ako nagmana. Nakarating na kami sa gate at naghihintay doon sila Tito Viahm. Walang dalang sasakyan si Daddy at makikisabay lang siya, pa-VIP. Siya na ang makikisabay, siya pa ang hinintay. Nagpaalam na siya sa akin at nagbilin pa na galingan ko ang pang-hihiram. Si Daddy talaga. Nang makaalis sila umalis nadin agad ako at pumasok sa Kristoff. Malayo na ang nalakad ko ng mapahinto ako sa tapat ng library. Gusto ko na sanang hindi pansinin ngunit pamilyar na tao ang nakita ko. Si Summer, kaharap ang isang lalaki at naka-amba ng suntok sa kanya kaya naman dali dali akong sumugod para pigilan siya.

AVIAH RHEIKO SUMMER

Nakapag-desisyon na ang madla, magsasama kami sa iisang bubong isang beses sa isang linggo, tuwing biyernes. Lubos na hindi ikinatuwa iyon ng karamihan lalo na si Kade, sa gitna ng pag-aalangan ng lahat ako lang ata ang natuwa.

Of The Shattered CompassOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz