Chapter 40 : Never Let Go

302 20 4
                                    

Chapter 40

AVIAH RHEIKO SUMMER

Our one week vacation in Japan went well. Okay naman at nakasama ang lahat, marami kaming napuntahang lugar at nag-enjoy talaga ako lalo na kasama ko si Cali. Nakakalungkot lang dahil hindi sumama si Kade, sabi ni Audie ay mas pinili ni Kade na mag-stay sa bahay nila. Hindi parin sila ayos ng Daddy niya, naiintindihan ko naman si Tito Rage kung hindi niya agad mapatawad si Kade. Malaki ang naging kasalanan ni Kade, he went too far, he did serious and bad things that even myself can't imagine. I felt bad, wala siyang nakasama sa isang linggo na iyon kundi ang mga kasambahay nila. Iniisip ko palang ay nararamdaman ko na kung gaano kalungkot ang mag-isa, kung ano ang nararamdaman niya.

We reach airport and nakahanda na ang mga sasakyan na susundo sa amin, pinasabay ako ni Cali sa sasakyan nila at hindi pumayag na sumabay ako sa iba. Sa halip na sa kani-kanilang bahay dumiretso ang iba ay pinili rin nilang dumiretso sa bahay nila Cali dahil narin sa pagyaya ni Tito Nalu. It's as if some strong magnet is pulling them even if they are against it and that is Tito Nalu.

Pagdating sa bahay nila Nalu ay dumiretso sa kusina si Yhno, walang pakundangang binuksan ang ref, ineksamina ang loob. Nang makita ang hinahanap ay mabilis na napangiti. Mapupulang mansanas ang kinuha nito, inilapag sa lamesa at nag-kusang kumuha ng kutsilyo para mabalatan.

"Do you have--" hindi pa man natapos magsalita ay nailapag na ni Draco ang isang platitong may lamang toyo.

"Soy sauce at your service," sambit nito habang hawak naman sa kabilang kamay ang saging.

"Um, thank you Draco."

Nabigla na lang ako nang isawsaw niya ang hiniwang mansanas sa toyo.

"What the hell?" nasambit ko nalang.

"Sorry, he's kinda weird sometimes," banggit naman ni Cali.

"So, uuwi ka na ba? Ihatid na kita sa inyo," pagbabago ni Cali ng usapan.

Tumango ako. Bintbit niya ang mga dala ko at hinawakan ang kamay ko sa harap nila Draco.

"Kayo na ba?" walang reaksyong mukha ni Hymn ang unang nagtanong.

"Oo, isang linggo na ang nakakalipas, eksaktong alas kwatro ng hapon," sagot naman ni Cali.

"Bakit hindi ko alam?"

"Kailangan pa ba ipa-alam sayo yun?" inis na tanong ni Cali.

"Ikaw lang yata ang walang alam, sila na nung nagbakasyon tayo," sabad naman ni Jett.

"Ah, kaya pala puro landian lang ang ginawa niyo sa Japan," inambaan naman siya ni Cali sa sinabi.

"Whatever, ihahatid ko muna si Summer, diyan na muna kayo at paki-usap, wag niyong ubusin ang pagkain sa ref," hindi na ako sinabihan ni Cali at hinila na niya ako palabas.

Pagdating namin sa bahay ay sumalubong agad sa amin si Aling Tinay, tuwang tuwa siya sa mga pasalubong ni Cali lalo na't kasama roon ang anak niya. Nagpasalamat si Aling Tinay pati narin ang driver namin dahil pati siya ay binigyan ni Cali. Sa totoo lang ay hindi ko alam na mayroong binili si Cali para sa kanila.

Ipinalapag ko ang gamit ko kay Cali sa sala pero pinilit niyang iakyat na ito sa taas para hindi na ako magbitbit pa kaya naman pumayag narin ako.

"Sorry, hindi maayos ang kwarto ko, isang linggo kase tayong wala," inayos ko ng bahagya ang mga picture frame sa lamesa.

Hindi naman marumi dahil alam ko namang nililinis ito ni Aling Tinay pero pakiramdam ko ay hindi ko naayos dahil ilang araw ding kaming wala dito.

"Ano bang sinasabi mo? Maayos naman ang kwarto mo," nakangiting sabi ni Cali habang inilalapag ang mga gamit.

"Eh kase-- wala-- Cali!" nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi agad ako nakasagot sa yakap niya ngunit siya na mismo ang humawak sa isa kong kamay para yumakap sa kanya.

"Yakapin mo ako Summer, sobrang napagod ako sa byahe kailangan ko ng yakap mo," na-guilty ako bigla, pagod na nga kami sa byahe ay nagawa ko pang magpahatid sa bahay.

Niyakap ko siya bilang kabayaran sa effort na ginawa niya mula pa nang unang araw ng bakasyon namin hanggang sa pag-uwi. Ngayon ko lang nayakap ng ganito si Cali at ang sarap lang sa pakiramdam. Ayos lang naman siguro ang ginagawa namin dahil nakabukas naman ang pinto at wala namang masama kung may makakita man sa amin dito.

"Thank you Summer," sabi niya at hindi parin nabitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Thank you saan?"

"Thank you for letting me love you, for letting me take care of you. Thank you dahil pumayag kang maging boyfriend mo ako," bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan ako.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at ikinulong sa dibdib niya.

"I've always dreamed to be with you Summer and I promised to be faithful, I'll take care of you even after forever. You have no idea how much I am happy right now."

"Grabe naman mga salita mo, para ka namang mag-aasawa na," ngiti kong sagot sa kanya.

"Bakit hindi? Aasawahin naman talaga kita, papakasalan kita gusto ko ikaw na," napangiti nalang ako, wala akong masabi sa kasweetan niya.

"Promise me not to let go of this hand Summer."

Tingnan ko siya at marahang tumango. "Yeah, I promised."

Walang pagsidlan ang ngiti ni Cali at muli akong niyakap.

I promised not to let go of his hand. Really.

--

Of The Shattered CompassNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ