Chapter 34 : A Pirate's Work

314 21 5
                                    

                         Chapter 34

AUDIE ZEGERS

"Sa wakas! Nakauwi narin, grabe napagod ako dun," pasalampak na humiga si Chance sa kama.

Dumiretso kami sa center dorm upang mailagay ang ilang gamit at pagkatapos ay babalik na sa kanya kanyang kwarto.

"Saan ka napagod Chance? Sa pagiging talunan?" ismid ko.

Napa-upo siya sa kama at tinignan ako. "Makapagsalita ka para kang hindi taga hilaga, wag ka mag-alala, sabay sabay tayong iiyak sa huli, pagkatapos mag-exam nila Kade, bababa na ang bandera ng mga taga hilaga," muli siyang humiga at nagpagulong gulong sa kama.

"Grabe ka naman, paano ka naman nakakasiguro na matatalo tayo?" usig naman ni Yhno.

Tumagilid si Chance para makaharap si Yhno, itinuon ang kaliwang siko sa kama at ipinatong sa kamay ang ulo.

"Tingin mo mananalo pa tayo dun? Nakita mong sila Kuya at Storm lang ang halos naghahabulan ng score, babagsak na ang presidente niyo," mayabang niyang sabi.

"I'm here Chance, I'm here," bakas ang pagkadismaya ni Kuya sa salita niya.

"Andiyan ka pala Kade, sorry," hingi ng tawad pero labas ang sinderidad sa salita ni Chance.

"Funny," irap naman ni Kuya.

Kahit hindi sabihin, alam kong may kaba ng bumabalot sa katawan ni Kuya. Bukod sa mababa ang puntos ng taga hilaga, dalawa ang dapat niyang malampasan sa huling eksaminasyon, si Cali at Storm. Ngayon lang ulit nangyari ito, ilang taon ding namalagi ang ranggo ni kuya bilang presidente. At sa di malamang dahilan ay parang ginanahan naman si Storm sa pakikipaglaban ngayon, hindi ko tuloy alam kung gusto niya na rin ng pwestong yun.

Sa magaganap na eksaminasyon sa isang araw, alam kong babantayan ni Kuya ang mga galaw ng dalawa. Kailangan niyang maperpekto ang exam para lang matapalan ang mga puntos na nawala sa kanya. May laban parin naman siya kahit papaano, pero kung talagang gugustuhin ni Storm ay mauungusan niya si Kuya.

Kung talino ang usapan ay mas lamang si Storm pero kung pagiging tuso ang labanan ay panalo si Kuya. Kung pwede nga lang na ilaban nila Cali si Draco sa exam ay talagang wala ng magagawa si Kuya.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Natatakot siya, alam kong nararamdaman niya yun, at nag-iisip na siya ng paraan para malinlang ang dalawa. Sigurado akong kahit anong mangyari ay hinding hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang pinaka mataas na pwesto sa Kristoff at gayundin ang top spot.

"Tara na Summer, ako na magdadala ng gamit mo," at nagsimula na naman ang pagiging gentleman ni Cali.

"Hah? Ah-- wag na, ako nalang," nabigla si Rheiko nang kunin ni Cali ang bag niya, kanina pa siya tulala at hindi ko alam kung bakit.

"Sus, nahiya ka pa. Tara na," wala ng nagawa si Rheiko kundi sumunod dahil hinila na siya ni Cali kasama ang bag niya na ginamit nung umalis kami.

"Paminsan-minsan ang corny na ni Kuya, papansin, masyadong sweet, manang mana kaya Tito Bullet, tama nga, dun siya pinaglihi ni Mommy, tsk," salita ni Chance sa kawalan na hindi ko alam kung kinakausap kami o wala.

"Bakit naman nadamay ang tatay ko diyan?" binato ni Jett ng unan si Chance pero sinalo lang nito at niyakap iyon.

"Totoo lang naman yung sinasabi ko," sagot pa niya at tinalikuran si Jett, yakap ang unan at pumikit.

Napailing nalang ako. Minsan rin ay may pagka-isip bata siya at hindi malaman ang gusto sa buhay.

---

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now