Chapter 52: Cali's Tears

228 22 4
                                    

                          Chapter 52

                     ANDREAU KEAST

Halos lahat kami ay napako sa kinatatayuan namin.  Walang makakilos matapos namin masaksihan kung paano nalaman ni Cali ang tungkol sa engagement nila Aviah Rheiko at Kade.

Walang nagtangkang sumunod.  Nagkatinginan lang kaming lahat,  napayuko at napa-isip.  Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam, nainis ako sa sarili ko.

I felt guilty.  I felt betraying Cali.  Ilang linggo bago pa maganap na engagement ay alam na namin ito pero walang nagtangkang magsabi sa kanya.  All of us knew about it and yet we chose to create our own plan.

Plan A without plan B and so on. Hindi pa man namin nagagawa ang planong pang gate crash sa engagement nila ay nangyari na ang dapat mangyari na hindi namin naisip.  Hindi namin nabigyan ng pagkakataon isipin, paano kung mauna nga malaman ni Cali bago pa ang nasabing plano?  Anong gagawin namin?

Walang nakaisip.  Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa araw lang na iyon.  Bakit nga ba hindi namin inisip iyon gayong hindi naman malabo mangyari dahil kalat na ito sa buong academy.

Nakaka-guilty lang isipin na wala kaming nagawa para mapigilan ang nangyari na mismong si Cali pa ang nakaalam.  Mabuting tao si Cali at walang dahilan para masaktan siya ng ganoon.

Hanggang ngayon ay nakatayo pa ang lahat ngunit nakaisip yata si Rheiko at biglang nagtatakbo palabas upang malamang ay habulin si Cali.

Hindi sinasadyang nagkatinginan kaming lahat.  Sa mga isip at mata ay tila nagsisisihan kung kanino dapat ibunton ang lahat.

Just like the old days,  when we caught up by our parents playing with fire, we are connecting the invisible string in our eyes and always pointing out Kade ensuring that he is the leader and we just obeyed him.

Sana nga ganun lang din kadali baguhin at ituro kung sino ang may sala ngayon. 

At hanggang ngayon,  wala padin kaming ibang ituturo kundi si Kade.

Masakit man isipin,  ngunit ibang laro na ng apoy ang alam niya.  Nakakapaso na,  nakakasakit na.

"Masaya ka na ba? " sa wakas ay may nagsalita na din, si Jett na masamang nakatingin kay Kade.

"What? Wala akong ginagawang masama.  Hindi ko kusang binigay sa kanya ang invitation at hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. "

Jett sigh in disbelief with a fake laugh. "Really? Wala kang ginagawang masama?  Eh ang pilit pakasalan ang taong hindi ka mahal?  Hindi ba kasalanan yun?  You always know in the first place Kade,  ikaw ang may kasalanan ng lahat," nagtatagis ang bagang ni Jett habang binibitawan ang mga salita niya.

"I know,  it's always me,  right?" Kade blurted.

"Enough!  Tumigil na kayo," awat ni Draco.  "..wala na kayong magagawa,  nalaman na ni Cali,  nasaktan na yung tao," the he leered to Kade.

"Kung ito ang makakapagpasaya sayo Kade gawin mo,  pero sana isipin mo yung mga taong nasa paligid mo.  Kapag tinalikuran ka ng mundo,  wala ka din namang mapupuntahan kundi ang mga taong pinagtabuyan mo na kahit kailan hindi ka itinuring na kaaway."

Matapos magsalita ay umalis na Draco, sinundan siya nila Hymn at Jett.  Ilang segundo pa ay lumabas na din sila Ash at Storm ngunit bago umalis ay pinagsisipa pa ng dalawa ang mga nakaharang na upuan.  Hindi na din dumating si Tito Dagger,  malamang ay naapektuhan din siya sa nangyayari. Wala akong nagawa kundi lumabas na din,  hindi ko na alam ang susunod na mangyayari.  Kung kailan naman nagiging maayos na muli ang lahat ay bigla naman nagkaganito.

Naglakad ako sa hallway,  hindi malaman ang pupuntahan.  Hindi ko rin mahanap si Yhno kaya napagpasyahan ko na pumunta nalang ng opisina. Patawid palang ko nang mamataan ko ang bintana ng library, nahagip ng mata ko si Cali,  nakaupo sa pinaka gitnang lamesa habang nagbabasa.

Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari,  kung maari nga lang ay pati sa parte ni Kade ay ako na ang hihingi ng tawad, ngunit alam kong hindi ganoon kadali yun.

Hindi ako gumawa ng ingay papasok sa library.  Ayokong malaman agad ni Cali na nandito ako dahil baka umalis siya. Nakakapagtakang walang tao sa loob at mukhang tanging si Cali lang ang nandito.

Umupo ako sa pasilyo sa pagitan ng mga lagayan ng libro kung saan makikita ko siya at makakahanap ng tyempong kausapin siya.  Kinuha ko ang libro sa unahan ko upang mas makita siya,  nagulat nalang ako nang mapagtanto ang binabasa niya.

Snow White and The Seven Dwarfs

Ngunit mas nabigla ako nang makita siya,  magang maga ang mata at patuloy ang pag-iyak habang nagbabasa ng libro.  Hindi ko nga alam kung talagang nagbabasa ba siya o kung nagbabasa man ay nakikita pa kaya niya ito?  Sa dami ng luha na umaagos sa mata niya  ay malamang hindi na niya mabasa ang mga nakasulat sa pahina ng libro.

I lean on the shelves and start pretending to read the book that I snatched.

Muli kong tinignan si Cali. Humihikbi siya ng todo at halos hindi na makahinga.  Ibinababa niya ang libro,  pinunasan ang mga luha niya gamit ang braso at saka umiyak muli.

Napahigpit ang hawak ko sa libro.  Kung nung mga bata kami ay nakakatuwa kapag may umiiyak na isa sa amin,  ngayon ay hindi na pala. 

Why do I have this fvcking feeling that we are one of those shits that causing him emotionally died in pain.

"W-Why?  Just Why?  I did everything S-Summer,  I did everything.  I gave all of my heart and soul.  Wala akong ginawang masama.  B-Bakit mo nagawa sa akin 'to? B-Bakit mo ko pinapatay sa sakit ngayon?"

Napayuko ako sa narinig, mas lumakas ang hagulgol mula kay Cali.  Ngayon ko lang siya nakitang ganito,  kahit malayo ako ay ramdam ko ang sakit na dinadala niya.

"Fvcking shit,  I hate crying, it's tiring."

Salita niya padin sa pagitan ng paghikbi.

"Cali!"

Napalingon nalang ako sa pinto nang marinig ang boses ni Rheiko.  Namumuo ang pawis niya sa mukha at hinihingal, tila nilibot ang buong Kristoff makita lang si Cali.

Agad na nagpunas ng luha si Cali.  Sa halip na umalis ay hinintay niya ang paglapit ni Rheiko at pagtabi sa kanya. 

Even in the middle of pain,  he still manage to smile to Rheiko. 

"I-I'm so---"

"I'm sorry Summer," inunahan na magsalita ni Cali si Rheiko.

"I'm sorry for what I've said earlier,  you know I was in pain."

Nanginig ang bibig ni Rheiko at nagsimulang lumuha.  "You-- ako,  ang dapat mag sorry sayo. Walang ka dapat ihingi ng tawad."

"I'm sorry for making you cry,  I'm sorry that I said it was over,  I'm sorry," napayuko si Cali at nagsimula ulit lumuha.

"Please Cali,  don't cry.  I can explain,  please let me explain," hindi sumagot si Cali at tanging pagtango lang ang ibinigay niya.

Ilang minuto silang nag usap,  ilang minuto rin akong nakinig.  Hindi na ako makaalis sa puwesto ko dahil malalaman nila na kanina pa ako nandito kaya't wala na akong magawa kundi makinig sa usapa nila.

Naipaliwanag ni Rheiko ang lahat.  Madaming paliwanagan at paghingi ng tawad ang naganap.  Narinig ko pang inihingi kami ni Rheiko ng tawad dahil hindi rin namin naipa-alam kay Cali ang lahat.

Nakinig si Cali,  ngunit sa mga mata niya ay mga ekspresyon na hindi ko na mabasa pa. Emosyon na makikita sa taong nilamon ng sakit at galit. Sa nakikita ko ngayon,  hindi ko na alam kung ano na ang nasa isip niya kung galit ba siya kay Kade dahil sa ginawa nito o galit siya kay Rheiko dahil nagsinungaling ito.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now