Chapter 16 : Heart Beats

456 34 6
                                    

Chapter 16

AVIAH RHEIKO SUMMER

The place for archery competition now are crowded. Cheering by different sides are now on it's chaos. Mas marami pa ang nanonood dito ngayon kesa sa basketball, siguro nga ay masyado talagang malaking issue ang pagtatapat ni Cali at Kade. Naabutan namin na nakaupo si Cali habang nakatayo sa harap niya si Kade at pinaparatangan ng kung ano anong salita, nananatiling nakatawa si Cali sa kanya bilang pagbibigay ng senyales na wala siyang paki-alam sa kung anong sinasabi ni Kade. Nang matanaw ako ni Cali ay walang pag-aalinlangan na tumayo siya at iniwan si Kade doon kahit na nagsasalita ito.

"Where have you been ? Ang tagal mo naman." salita agad ni Cali ng makalapit samin.

"Ah, sorry may pinuntahan kase kami. Uhm, nag-aaway ba kayo ni Kade ?" nilingon niya si Kade na ngayon ay nakatalikod sa pwesto namin.

"Ewan ko, kahit naman hindi kami nag-aaway para sa kanya magka-away kami. Nagagalit lang siya, dapat kanina pa nagsimula ang laban, ayoko simulan dahil wala ka pa." siniko naman ako ni Audie sa narinig niya.

"Bakit mo ginawa yun, dapat nagsimula na kayo kahit wala ako."

"Ayaw. Mawawalan ako ng gana kapag hindi kita nakita sa paligid." ngiti niya.

Dahil wala na akong masabi sa mga salita niya, pinabalik ko na siya sa pwesto niya para makapagsimula na at pinaupo niya naman kami sa tabi nila Hymn, pwesto kung saan nasa pinaka unahan at kitang kita namin silang dalawa ni Kade.

"Oh, T-shirt. Suotin niyo yan, bilis." pinagbibigyan kami ni Chance ng tshirt na may tatak ng pangalan ni Cali.

"Ano ba yan ! Ayoko nga, ang baduy mo ah." si Hymn na itinataboy si Chance kasama ang tshirt na hawak niya.

"Aish ! Para saan pa at naging mag-bestfriend kayo ni kuya hah ? Suotin mo na, pang suporta lang ano ka ba."

"Oo nga, dagdag pang bahay din to no." sabi naman ni Yhno at sinuot ang tshirt.

"Wala ka bang pangbili ng damit ?" tanong naman ni Draco kay Yhno.

"Meron no, ang sakin lang matuto kayong tumanggap ng libre." sabi pa ni Yhno at inaayos ang damit niya.

"Hindi yan libre, may bayad yan." sabad naman ni Chance.

Natigilan si Yhno at sinubukang hubarin ang damit pero nagsalita agad si Chance.

"Oh, wala ng bawian. Sinuot mo na yan kaya bayaran mo yan." grabe talaga si Chance.

Napuno lang ng asaran ang paligid nila at hindi na namin yun pinansin ni Audie. Nagsimula na ang laro, naging maingay ang bawat segundo at minuto. Kanya kanyang iringan sa pagitan ng Timog at Hilaga. Magkabilang dulo sa loob ng mapa, sa katotohanan ay magkabilang dulo rin talaga. Kitang kita kung paano magbatuhan ng salita ang bawat estudyante, may pagkakataon na nagbabatuhan narin ng bote ng tubig, lata, mga hawak na pom poms at iba pa. Naging mainit ang laban, nakalamang si Kade pero nauungusan din ni Cali. Bawat paghawak ng pana ay natingin sa akin si Cali at kumikindat pa. Panay ang siko sakin ni Audie, panay rin ang pang-aasar nila Chance at Jett. Kita rin ang pagkalito sa mukha ni Kade, bawat tingin ni Cali sakin ay siya ring tingin niya sa akin at may pagkakataon na nahuhuli ko siya ngunit mabilis na umiiwas.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now