Chapter 20 : Rules and Regulations (2)

460 30 1
                                    

Chapter 20

ANDREAU KEAST

Hindi ko rin alam kung saan pumunta si Chance, nag-cr lang ako saglit paglabas ko ay wala na siya. Si Yhno naman ay tulog na, gusto ko narin namang matulog pero hindi ako makatulog lalo na't alam kong nasa labas sila. Kung tutuusin ay dapat hindi ko na sila problemahin pa ngunit inuusig ako ng konsensya ko lalo na alam kong walang kasama sila Audie at Aviah ngayon. Si Kade ay tulog narin at halatang wala talang paki-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Ngayon ay natutuliro si Cali, wala si Chance at malalim na ang gabi. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling ngunit ang mga madungis nilang itsura at mga nakakapit na dahon sa pang-ibabang kasuotan ay nagsasabi na sa likurang kagubatan sila nagmula. Ano naman bang ginawa nila roon? Talagang hinanap ata nila ang pinanggalingan ng tunog. Ngayo'y nawawala rin si Draco, mas lumala ang pag-iisip ko, sa itsura nila ay mukhang may kinaharap silang hindi maganda sa nagdaang minuto bago sila tuluyang makauwi rito.

"Ano bang nangyari Cali ?" nag-aalalang tanong ni Aviah kay Cali na hanggang ngayon ay nakalupasay sa sahig.

"Si Chance, kailangan ko puntahan si Chance. Alam niyo ba kung saan siya pumunta?" nakakapanibago, nawala ang mapaglarong aura sa itsura ni Cali. Ngayon ay puro pag-aalala ang nakikita ko sa kanya.

Umiling si Aviah. "Hindi, bigla nalang kase siya umalis, hindi na namin siya napigilan dahil hindi siya nakikinig sa amin."

Tumayo si Cali at tinungo ang pinto. "Hahanapin ko si Chance." sabi niya ng hindi lumilingon.

"Sama ako sayo." sabat naman ni Hymn at sumunod din sa likuran si Jett.

"Nawawala si Chance ?" napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin ang kakabangon lang na si Yhno na halatang naalimpungatan sa ingay namin.

Nagmamadali siyang bumaba ng kama, hindi inalam ang nangyayari at pumunta agad sa tabi ni Cali.

"Nasaan si Chance ? Sama ako kuya Cali, hanapin natin si Chance." para talagang batang bata kumilos to si Yhno.

Hinarap siya ni Cali at tinignan saka hinawakan sa magkabilang balikat. "No, stay here okay ? Hahanapin ko si Chance dito ka lang at samahan mo sila Summer."

"Pero si Chance.." bakas sa mukha ang malalang pag-aalala ni Yhno.

"Don't worry, I'm going to get my brother back as well as Draco. Trust me." paninigurong sabi ni Cali.

Tinignan nalang siya ni Yhno at dahan dahan itong tumango. Tinignan naman ulit ni Cali sila Hymn at niyaya na lumabas ngunit napatigil siya ng sumunod din bigla si Storm at Ash.

"Saan naman kayo pupuntang dalawa ?" nakangiwing tanong ni Hymn kila Storm.

"We'll get Draco back." maikling sabi ni Storm at ni hindi man lang naghintay ng sagot nila Hymn at dire diretsong lumabas ng dorm kasunod si Ash.

"He's always got the annoying attitude you know." sabi ni Hymn habang sinusundan ng tingin si Storm.

"Just like you." sambit naman ni Cali.

Bago tuluyang lumabas ay nagpaalam pa si Cali sa amin. Bigla akong nakonsensya na dapat ay hindi ko nararamdaman ngayon. Lahat sila ay abala sa paghahanap sa iba samantalang ako ay nakatunganga lang dito at walang ginagawa. May pinagsamahan kami, sabay sabay kaming lumaki, sabay sabay rin nagka-isip, may nangyari man na hindi maganda noong mga nakaraang taon ay mas lamang parin naman ang masasayang araw noon, kaya paano ko makakayanang hindi tumulong ? Tinignan ko si Kade pero wala talaga siyang paki-alam at nakahiga parin. Hindi na ako nag-atubili at sinundan na sila sa labas, kila Storm nalang ako sasama. para hanapin si Draco.

Of The Shattered CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon