Chapter 56: Last Hug

276 21 4
                                    

                        Chapter 56

            AVIAH RHEIKO SUMMER

                       JETT ACKER

"Where the fvck have you been?" Hymn asked as Cali seated beside him.

One week is long for us who had the daily dose of Cali every single day. Ilang oras nga lang siya mawala ay nagtataka na si Hymn kung nasaan siya lalo kapag hindi nakapag-paalam, ngayon pa na isang linggo. Kaya naman simangot ang agad naibungad ng isa nang dumating si Cali.

"Bahay," matipid na sagot ni Cali at inayos ng bahagya ang neck tie na suot niya.

"Fvcking liar," Hymn scolded with impending killing intent to Cali.

"I'm saying the truth asshole."

"I've been there everyday."

"I know, I've been hiding everyday too."

Naningkit ang mata ni Hymn sa narinig. Napailing nalang siya at inakbayan si Cali at ipinagpatuloy ang pakikinig kay Tito Dagger. Inis ngunit nangingibaw ang tuwa namin ngayon na nagpakita na si Cali. Sana lang ay maging maayos na siya pagkatapos ng nangyari. Dahil ayaw na rin namin na makita siyang nahihirapan at umiiyak nang dahil lang kay Rheiko.

Sa kabilang banda ay napatingin ako kay Rheiko. Diretso lang siyang nakatingin sa unahan, halata ang panginginig sa kamay. Namumula ang ilalim ng mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Marahil ay gulat na gulat siya nang makita si Cali.

Hindi kami galit sa kanya, alam kong may dahilan kung bakit niya nagawa iyon pero hindi pa namin siya kayang harapin dahil nagdudusa ang kaibigan namin. Pero ngayong mukhang ayos na si Cali ay marahil pwede na namin siyang kausapin ng normal tulad ng dati.

---

"Bakit ba kanina pa kayo tingin ng tingin sa akin?"

Lunchbreak.

Muli kaming nagkasabay sabay kumain dahil dumating na si Cali. Biglang nagbago muli ang ihip ng hangin dahil niksabay rin si Ash at Storm kahit na hindi namin maramdaman ang presensya nila ay ayos na rin.

"Parang may nagbago kase sayo," si Draco ang sumagot.

"Mas gumwapo ako? Alam ko," mabilis na sabi ni Cali na ikinatigil ng karamihan.

"Kapal ng mukha mo," sa wakas ay nagsalita na si Storm.

"Shut up Stormy," napatawa kami nang marinig ang Stormy dahil iyon ang itinatawag ni Cali kay Storm noong mga bata pa kami.

Napailing nalang si Storm ngunit bahagya ring napatawa at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Are you okay?" tanong ni Andreau kay Cali at alam namin kung ano ang tinatanong niya.

Tumango si Cali. "Yeah, at last. I'm good," nakangiting sabi niya, ngiting walang bahid ng pagkukunwari na ipinaparating na ayos lang siya kahit na alam namin na hindi talaga.

Alam namin na mahihirapan siya mag-move on lalo na't nasa iisang eskwelahan lang sila ni Rheiko at dalawang oras sa isang araw ay nagkakasama sa isang paksa ngunit alam namin na malalagpasan niya rin ang lahat at matatanggap kung ano ang nangyari kahit na hindi talaga ito katanggap tanggap.

Sobrang bilis ng pangyayari.

From happily ever after to a broken hearted couple real quick.

Minsan ay sadyang hindi mo masasabi ang puwedeng mangyari at hindi mo rin talaga matatalaga kung sino ang makakasama mong maglakbay hanggang dulo.

Of The Shattered CompassOù les histoires vivent. Découvrez maintenant