Chapter 23 : I'm Sorry

394 23 1
                                    

AVIAH RHEIKO SUMMER

Kakadilat palang ng mata ko nang maalala ang nangyari kahapon, hindi ko na nagawa pang mahintay ang pag-uwi nila Cali kung saan man sila nagpunta upang isagip sa nag-aambang panganib si Chance. Naalala kong bigla kung paano mag-panic si Cali sa nalaman kahapon, ang pagsalubong ko sa kanya na may kunot na mga kilay ay nagsilbing impormasyon na nawala ng panandalian ang pagiging masayahin, kahit na ang pag-pansin sa presensya ko ay hindi na niya nagawa.

Bumaba ako ng kama at pupungas-pungas pang lumabas ng kwarto. Nakahain na ang pagkain sa lamesa at sinabihan na ako ni Aling Tinay na kumain ngunit mas minabuti kong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin. Hindi alintana ang hindi pa pagsisipilyo, gulo gulong buhok at suot na pangtulog, nakapikit akong suminghap sa labas.

It's another day ahead outside Kristoff Academy, hindi pa man nagsisimula ang araw ay iniisip ko na kung saang lugar ako pupunta ngayon.

Just as I open my eyes for the clearer view, one guy is standing in front of me, wearing his hoodie black sando, white ripped jeans and positioning his cap on reverse, cool dude is literally in front of me now. I heave a brisk cover on my face using my one hand, just what the hell is he doing here ? Of all time of the day, bakit ngayon niya naisipan pumunta? Kung kailan hindi nakahanda ang katawang lupa ko at mukang nababalot pa ng kadugyutan.

Low laugh aired on a small distance, I peek between my fingers, he's now walking towards with a smile of amusement as if he had seen the most laughable person in the world.

"Anong ginagawa mo rito ?" takip parin ang mukang nagtanong sa kanya.

"Pinuntahan kita. Bakit ka ba nagtatago ng mukha mo?" naramdaman ko ang paghinto niya, ilang hakbang kaharap ko.

"Kakagising ko lang, hindi pa ako nakaka-hilamos. Nakakahiya." hindi na ako nakasilip sa siwang ng mga daliri, kundi nakapikit sa kahihiyan na dala dahil sa itsura.

"You're still beautiful though." hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa mukha.

Doon ko napansin ang band-aid na naka-kabit sa kanyang pisngi.

"Anong nangyari diyan ?" saka turo sa pisngi niya.

"Wala, nagasgas lang sa kung saan."

He smiled sweetly, despite of the little scratch on his face, he's still look the perfect prince I met, on that one rainy season.

Napatango nalang ako. "Teka, nahanap niyo na ba si Chance ?" kinabahan kong tanong.

Tumango siya at ngumiti. "Yeah, he's safe now."

Nakahinga ako ng maluwag sa nalaman. "Really ? That's great then.. but wait, what are you really doing here?"

"Wala, binisita kita. Saka makiki-kain ako sa inyo." sabi niya saka sumi-silip silip sa loob.

Napa-awang ang labi ko sa tinuran niya. Seryosong makiki-kain lang siya sa porma at ayos niya ?

"Yun lang ang pinunta mo dito ?" kunot-noo kong tanong.

"Oo, bakit may iba pa bang dapat maging dahilan ?" nakangiti pero bakas ang pangungutya sa labi niyang tanong.

Tumalikod ako. "Wala na, ano pa bang magiging dahilan. Tara na sa loob, kumain na tayo." alam kong sa likuran ko ay naglalaro na ang isang mapang-asar na itsura niya.

"Alright, you win. I miss you." bahagyang napabagal ang paglalakad ko ngunit hindi pinahalata.

"What ? Didn't you hear me Summer ? I miss you, that's why I'm here." pag-ulit niya.

Umagang-umaga, hindi ko alam kung anong trip ni Cali at sumugod ng nakaporma para lang maki-kain at sabihan ako na namimiss niya na hindi ko alam kung totoo o nambobola lang siya para pakainin ko siya.

Of The Shattered CompassWo Geschichten leben. Entdecke jetzt