Chapter 9 : OH YES WAY !

492 32 9
                                    

Chapter 9

AVIAH RHEIKO SUMMER

Matapos ang pagbibigay ng sermon ni Tito Rage ay nagkanya-kanya na sila ng daan, nagkasamaan pa ng tingin at sa mga mata nagsapakan. Hindi ko na nakausap si Kade. Hindi ko natanong kung totoo ba yung mga narinig ko, kung gawa gawa lang o ano. Pero lahat ng sinabi niya ay nakabaon parin sa utak ko, sa isip at sa puso ko. Gaano ba kasakit ipamigay ng taong mahal mo ? Daig mo pa ang taong nasagasaan sa daan, nalasog ang katawan pero himalang nabuhay. Masakit ngang talaga. Ayoko isipin na totoo ang sinabi niya, but some part of me wants to believe that he just gave me away, as fast as that. Para lang siyang uminom ng tubig at tinanggal ang bara sa lalamunan niya at ako ang nakabarang yun. Poor Aviah, hanggang kelan ka magtitiis ? Kahit ang sarili kong katanungan ay hindi ko masagot. Mahirap, sobrang hirap.

---

Pagkatapos ng unang klase ko sa tanghali ay mabilis kong hinanap si Cali, para narin makapagpasalamat sa ginawa niya. Mabuti at nasaktuhan ko siya sa bench malapit sa south dorm, nakaupong mag-isa kaya naman nilapitan ko siya.

"Cali !" tawag ko ng makalapit ako sa kanya.

Nagulat pa siya sa pagdating ko at napa-ayos ng upo. "Oh Summer !" he motion me to sit beside him. "..upo ka." saka umusog sa kabila.

Umupo naman ako at diretso nang sinabi ang pakay ko sa kanya. "Uhm.. salamat nga pala sa ginawa mo kanina, sorry dahil sakin napa-away ka." yuko ko habang nagsasalita.

Mas sumandal siya sa upuan at ngumiti lang. "Sus ! Wala yun, dapat lang yun sa kanya kulang pa nga yun eh. Napakayabang niya." he said while crossing his arms as well as twitching his eyebrows.

Bumuntong hininga siya at lumingon sa akin. "Sorry." napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Sorry saan ?"

"Dahil sa pakikipagsagutan ko, napagsalitaan ka ni Kade ng masakit na salita. Hindi ko akalain na sasabihin niya yun, sorry Summer." sabi niya na may malungkot na mukha na may bahid ng pag-aalala.

Umiling ako. "That's okay Cali." malungkot kong sabi.

Umangat siya sa pagkaka-sandal sa upuan at pumihit bahagya patapat sa akin. "Haish ! Wag ka ngang malungkot diyan, dapat eh maging masaya ka." napakunot ang noo ko sa tinuran niya.

"Bakit magiging masaya ?"

"Sa lahat ng pagbibigyan niya, sakin pa, ang swerte mo nga eh, all in one pack ako wala ka ng hahanapin pa sa akin no." napatawa naman ako.

Ipinagmalaki niya ang kanyang sarili ngunit sa hindi mayabang na paraan. Alam kong sinabi niya lang iyon para mapatawa ako, hindi naman siya nabigo dahil napangiti niya ako. Matapos ng maikling kwentuhan ay nagpresinta siya na ihatid ako sa sunod kong klase, hindi naman ako tumanggi at pumayag nalang. Wala namang masama sa paghatid. Nagpaalam na siya pagtapos niya akong ihatid. Nagsimula ang unang klase at mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa matapos na ang buong maghapon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang mangyayari bukas, wala sila Mommy at Daddy dito, sino ang papapuntahin ko ? Aish, Bahala na nga.

Kinabukasan.

Maaga akong nagising, alas diyes ang pulong ng mga magulang na magaganap, kasabay ng pagpupulong ng ibang section. Buuan ang magaganap na pulong ngayon para sa taunang pagpasok sa Kristoff, iba lang ang sa mga magulang namin at mas matatagalan dahil narin sa naging aberya kahapon. Wala akong madadalang magulang ngunit sabi ni Audie siya na ang bahala at kakausapin niya nalang si Tito Rage para sa akin. Nagmamadali akong bumaba dahil 9:30 na, tatlumpung minuto nalang at magsisimula na ang pagpupulong.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now