Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)

323 24 26
                                    

 Dedicated to : Kaileia                    

                      Chapter 30

RHYS CHANCE FRAZER

"Mommy naman, aalis nga kami ni Yhno eh," ano ba 'to si Mommy, sa lahat ng uutusan ako pa, bakit ba kase hinayaan niya magdate muna si Kuya Cali at Rheiko eh, ako tuloy ang maghahatid sa malditang bubwit na 'to.

"May pupuntahan lang akong importante Chance, susunod din ako. Sumusuway ka na ba ngayon sakin hah?" nakakatakot talaga siya pag pinanlalakihan ako ng mata.

"Hindi naman, eh kase-- nasaan ba kase si Daddy? Siya nalang kase paghatidin niyo sa batang yan."

"Hoy Chance, baka nakakalimutan mong kapatid mo si Lili, kahit anong gawin mo may obligasyon ka sa kanya bilang kuya, nauna na nga ang Daddy mo sa pupuntahan namin, kaya walang ibang maghahatid kundi ikaw, hindi pwede si Manang Glo dahil walang maiiwan sa bahay."

Bakit kase nagpaka-hands on si Mommy kay Lili at hindi naghire ng yaya ni Lili, wala tuloy mag-aasikaso sa kanya. Mas pinalala pa dahil spoiled na spoiled, hindi katulad namin na sinanay rin magkaroon ng normal na pamumuhay, mga unfair.

"Where's Kuya Cali Mommy? Just call Kuya Cali if Kuya Chance doesn't want to accompany me, sure Kuya Cali won't argue with you, he's kind not like Kuya Chance," bigla akong nakonsensya sa sinabi ng batang 'to.

May puppy-look pa siyang nalalaman. Kapag kaharap si Mommy, Daddy at Kuya ay napakabait niyang tignan pero pag kaming dalawa nalang sinalo lahat ng kamalditahan. Ugh, bata palang marunong na magtago ng ugali, what more kung lumaki pa 'to mas lalo na.

"Tignan mo, tignan mo, pati kapatid mo lumalayo ang loob sa pinag-gagawa mo," ako pa ang lumabas na masama.

Tinignan ko si Lili, bigla niya akong dinilaan at umirap. Nginusuan ko siya at umamba ng batok pero mas mabilis ang kamay ni Mommy, ang batok na para kay Lili ay dumapo sa akin galing sa kanya.

"Aray ! Mommy naman."

"Talagang umamba ka pa huh? Paano kung wala ako? Siguro sinasaktan mo na ang kapatid mo."

"Hindi no, ako nga sinasaktan niyan eh."

"Bilisan mo na nga, anong oras na male-late na yan si Lili," wala na ba talaga akong kawala at ako na ang maghahatid sa batang 'to.

Bagsak ang balikat na naglakad ako at kinuha ang bag ni Lili, pabukas palang ako ng gate nang biglang may nag-doorbell kaya naman nabuhayan ako. Malamang ay si Yhno yan, kapag si Yhno ang nagrerequest kay Mommy ay hindi ito makatanggi lalo na kapag sinabi nito na importante ang pupuntahan namin.

"Hay salamat, paano ba yan Mommy nandito na si Yhno.." binuksan ko ang gate habang nakangiti at nakatingin sa nakasimangot na mukha ni Mommy. "..hindi na ako maghahatid kay Lili dahi---"

"WALANGHIYA KA!"

Isang malakas na batok at may kasunod na hampas na balikat ang natamo ko mula sa labas ng gate.

"Aray ! aray, ano ba!" nang makawala ay nakita ko ang pangahas.

A Collin is devilishly looking at me just like she wants to stangle my neck to death.

"Walanghiya ka talaga!" at isang batok na naman ang natamo ko.

Iisa pa sana siya pero tumikhim si Mommy at pumagitna sa amin.

Grabe siya, binatukan niya ako sa harap ng nanay ko at dalawang beses pa. Ang lakas ng loob niya.

"Hitting a guy in front of his mother is a bad habbit," nakataas na kilay na sabi ni Mommy.

Of The Shattered CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon