Chapter 19 : Rules and Regulations

427 26 4
                                    

Chapter 19

JETT ACKER

Bakit ba kase naisip ni Tito Rage na pagsama-samahin kami dito eh, hindi talaga maganda kakalabasan nito kahit na isang araw lang sa isang linggo tsk. Nakakabwisit kasama ang mga to' lalo na si Kade, kulang nalang ay kunin niya lahat ng kama at higaan niya yun lahat. Nagsolo talaga siya ng kama, habang kami dito nagsisiksikan ang kapal ng mukha. Hindi na kami nagdala ng gamit nila Cali dahil isang gabi lang naman kami matutulog pagkatapos ay sa susunod na webes ulit, dapat ay biyernes kaso uuwi narin naman noon kaya pinalitan ni Tito Rage tss gustong gusto niya talaga mangyari to no. Hindi pa sila magkasundo sa higaan pero nagtagal ay naayos na din, si Kade lang naman talaga ang problema eh tss.

Nang matapos magdesisiyon kung saan pwesto magsisitulog ay nagpwestuhan na kami para humiga. Maayos naman at walang nag-aaway away, mukhang pinasukan ng mga masasamang hangin sa katawan kaya't nagkaganun. Tinignan ko sila isa isa, si Kade ay nakahiga at nakapaling ang ulo sa direksyon kung saan di kami makikita, naka headset at alam kong nagtutulog-tulugan lang siya, sila Audrey at Rheiko naman ay nagkukwentuhan, si Storm ay nakaupo lang sa gilid habang nakasilip sa bintana, si Draco at Andreau ay magkatabing nagbabasa ng libro, tss magkasundo talaga sila. Si Cali, Yhno at Chance naman ay nagkukulitan, si Hymn ay nakahiga at nagcecellphone sa isang tabi, samantalang si Ash ay pinapa-ikot lang ng pinapa-ikot ang bola sa daliri niya. Ang saya saya talaga nila kasama para silang may mga sariling mundo nakakainis lang.


Mga pawang nakapantulog na kami at pagtulog nalang talaga ang gagawin namin dahil hindi ko na aasahan na mag-uusap usap kami dito ng isahan. Aish ! Bakit ba kase humantong sa ganito ang lahat ? Hindi ko rin alam, basta isang araw nalang pag gising ko hindi na kami magkakasundo, kami nalang nila Draco, Hymn at Cali ang magkakasama. Nagkaroon din dati ng iringan si Cali at si Kade sa pagiging top 1, doon nagsimula ang lahat biglang lumabas ang masamang aura ni Kade ng kauna unahang makuha sa kanya ang titulo. Nagtransfer kami nila Cali ng school dahil wala lang, masyado lang kaming naiinis sa iringan na nagaganap at doon nainis sa amin sila Storm, Ash at Andreau. Umalis kami ng walang paalam at bumalik rin ng walang paalam kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa kami lahat nagkakausap ng maayos at hindi ko na inaasahan na mangyayari pa yun.

Imbes na isipin ko ang mga kalokohan nila ay matutulog nalang ako, biyernes na naman bukas kaya masaya na dahil last day na. Pahiga na sana ako ng bigla naman kaming makarinig ng kalabog mula sa labas kaya napatigil ang lahat sa kani kanilang ginagawa at dahil saktong nakasilip na si Storm sa bintana ay siya na mismo ang tumayo para mas masilip ito.

"What's that ?" nagmamadaling lumakad si Cali at tumabi kay Storm.

"Don't know, baka kung ano lang." sabi ni Storm at bumalik ulit sa pagkaka-upo.

Tumalikod na ulit si Cali pero bigla na namang may kumalabog, mas malakas hindi katulad ng nauna at ngayon pati kami ay napalapit na sa pwesto niya.

"Ano ba kase yun ?" si Draco na ang nagtanong at sumilip narin sa bintana.

"I'll check it." sabi ni Cali at pinihit ang pinto pero bago pa niya tuluyang mabuksan ay may nagsalita sa likuran namin.

"Rules and Regulations no. 12, going outside the dorm in the middle of night is strictly prohibited." kahit hindi namin nakita ay alam naming si Kade yun.

Napahinto naman si Cali at napatingin sa kanya. Naka-upo na si Kade sa kama at nakatanggal na ang headset sa tainga habang nakatingin ng masama kay Cali.

"Rules and Regulations no. 13, If student caught up roving in the middle of night, she/he must face equitable punishment given by the disciplinary officers." sagot naman ni Cali.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now