Chapter 51: Lies and Butterflies

236 18 9
                                    

Chapter 51
AVIAH RHEIKO SUMMER

Maaga pa para pumasok pero heto ako at nakaupo na agad sa cafeteria. Hindi ko na alam ang gagawin ko. May mangilan ngilan akong naririnig sa paligid, balita na ayokong makarating kay Cali.

"Di ba siya ang fiancé ni President?"

"Totoo bang ikakasal na sila?"

"Maling impormasyon ang nakuha nyo, hindi naman siguro sila ikakasal."

"Siya ang girlfriend ni Cali, bakit naman siya ikakasal kay President?"

Pilit kong isinawalang bahala ang mga naririnig. Nakakadagdag lang sila sa mga iniisip ko.

I was stirring my coffee when suddenly Chance, Shaun and Yhno came bringing their own food. Pizza, burger and pasta is not the breakfast thing, I thought? This guys are full of junk, tsk.

"Bakit nag iisa ka? Where's Kuya?" tanong agad ni Chance nang makaupo sa harap ko.

Kibit balikat lang ang isinagot ko. Mula kagabi nang ibinaba niya ang tawag ay hindi ko na sya natawagan pa kahit na tapos na kami mag-usap ni Kade. Napuno na ang utak ko ng mga problema, lalong lumala iyon lalo na't nalaman ko na walang balak iatras ni Kade ang nasabing kasal. Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko.

"Bakit ang aga niyo?" tanong ko, ngayon ko lang napansin na ang aga yata nila magsipag-ayos.

They look at me simultaneously just like I ask the most obvious question.

"What?" I arched my eyebrow to their reaction.

"You didn't receive the message?" Yhno with his innocent look.

"What message?"

"Nagtext yung admin department. Maaga nila pinapapasok ang mga estudyante dahil may i-aannounce daw si Kade mamayang after lunch. I-aadjust ang oras ng pasok," sagot ni Shaun.

"Akala pa naman namin alam mo kaya ang aga mo pumasok," dagdag pa ni Yhno.

Chance just look at me. Asking. Could it be--

"Anong i-aanounce nya?" I asked with shaking voice and hands. Ginapangan ako ng kaba sa narinig.

"Your engagement? I think?" Chance answered uncertain.

Dumoble ang kaba na naramdaman ko. Hindi maaring sabihin niya agad iyon lalo na't hindi pa kami nakakagawa ng paraan ni Chance.

"No he's not," my voice were quivering.

"Ask him yourself," sagot ni Chance na para bang may gustong sabihin.

"What about our plans? Hindi niya puwedeng sabihin yun sa buong school habang hindi tayo nakakagawa ng paraan."

"Exactly the point. Ikaw lang naman ang hinihintay ko. Bakit hindi natin gawan ng paraan ngayon at kailangan pang paabutin sa engagement party?" iyon pala ang gusto niyang sabihin.

Tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Let's go to Tito Nalu."

"What? Ngayon na? Hindi pa ako tapos kumain."

"I need your help Chance. Sa susunod ka na kumain."

Hindi ko na siya pinasalita at dire diretso siyang hinila palabas ng cafeteria.

"Aray, bitawan mo naman ako," pumiglas si Chance at sinimangutan ako.

"Sorry," nasabi ko nalang at tuluyang naglakad.

Sa paglalakad namin ay nakasalubong pa namin si Storm kasama si Ash.

"Where are you going?" Storm asked with his leader tone.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now