Chapter 45: I Will Miss You

298 16 2
                                    

                         Chapter 45
         AVIAH RHEIKO SUMMER

"Jett, pupunta ba kayo ng ospital? Pwede ba akong sumabay?"

"Hindi pa Rheiko, baka bukas pa kami makapunta may aasikasuhin pa kase sila Mommy at Daddy."

Lahat na halos ay napagtanungan ko kung sino ang pupunta sa ospital para madalaw sila Tita Lirie pero halos silang lahat ay may gagawin at hindi pa makakapunta sa araw na ito. Hindi ako mapakali, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko nang malaman na naaksidente sila Tita Lirie at Lili.

"Pupunta ako sa ospital, pwede ka sumabay sa akin kung gusto mo," nagsalita mula sa likuran si Andreau kasama si Shaun.

"Okay lang ba?" tanong ko.

"Oo naman, tara na, nagpaalam na kami kay Tito Rage pwede tayong lumabas ng maaga para madalaw sila Tita Lirie," si Shaun ang sumagot.

"Thanks god, okay let's go."

Nagpaalam na ako kay Jett at sumabay kila Andreau. We call out a taxi to take us to hospital, the first thing I notice, minsan lang magdala ng sasakyan si Andreau sa school at madalas ay nagco-commute lang siya, sometimes he just carry his bicycle and drove it all the way to university. Hindi siya mapagmalaking tulad ng iba at mukhang ayos lang din naman ito sa kasamang si Shaun.

"Ano bang nangyari kila Tita Lirie? Bakit sila naaksidente?" I initiate the conversation and break the silence between the three of us.

"Ang sabi lang ni Tito Hunter, iniwasan daw ni Tita Lirie ang batang tumatawid sa kalsada kaya naibangga ni Tita Lirie ang sasakyan. Hindi kase sila nagsama ng driver kaya ayun. You know Tita Lirie is not that good at driving, halos lagi siyang may kasamang driver, ewan ko ba bakit hindi siya nagsama ngayon at minalas dahil naaksidente pa sila, and I can't imagine how Tito Nalu reacts to this, I'm pretty sure that he's bursting like demon that he is now."

"Sinabi mo pa, malamang ay nagwawala na ngayon si Tito Nalu, sana naman ay hindi malala ang pagka-aksidente ngayon nila Tita Lirie."

Napatingin ako sa tinuran nila. "Grabe ba talaga magalit si Tito Nalu?" I asked with curiousity.

"You have no idea Aviah Rheiko, he's a happy go lucky man but not with this case. Masaktan na ang lahat huwag lang ang pamilya niya dahil babaliktad ang mundo kapag nangyari 'yon," sagot naman ni Andreau.

"Of course, hindi mo naman talaga matatanggap kung may mangyaring masama sa pamilya mo, natural reaction yun katulad ng kay Tito Nalu," sagot ko pa.

"Hindi mo ko naiintindihan. Sana lang hindi natin maabutan si Tito Nalu na nagwawala doon baka ayawan mo siyang makita habang buhay."

Ganoon ba talaga ka-grabe magalit si Tito Nalu? Lalo akong na-curious sa sinabi ni Andreau.

Ilang saglit pa nakarating na kami sa ospital. Ainley Medical Hospital, walang duda kila Draco ang ospital na ito. Pagkapasok palang ay agad na bumati kila Shaun ang mga staff at nurses, agad na itinuro ang kwarto na para bang alam agad ang itatanong ng mga ito.

Sa isang private room sa third floor itinuro ng information ang kwarto nila Tita Lirie. Nang makarating kami ay nakita namin sa labas si Cali, Chance at ang tinatawag nilang Tito Hunter na panay ang lakad sa pintuan ng kwarto ni Tita Lirie. Nakatulala si Cali habang si Chance ay nakayuko at tila may malalim na iniisip.

"Cal," bati ni Andreau, hindi tipikal sa isang taga silangan at timog ang magbatian pero para bang sa tawag ni Andreau ay nagising si Cali sa pagiging tulala niya.

"Andreau," mabilis na tumayo si Cali at lumapit kay Andreau, nasa likuran ako kaya't hindi niya agad ako napansin.

"Anong balita kila Tita Lirie? Maayos na ba sila?"

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now